^

PSN Opinyon

Higit kalahati, bagsak!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NABANGGIT ko na sa mga nakaraang kolum na dapat ma­pa­sailalim ang mga drayber ng pampublikong sasak­yan sa pagsasanay at pagsusulit para malaman kung karapat-dapat ngang magmaneho. Pinatupad ito ng LTFRB, at binigyan ng pagsusulit ang lahat ng drayber ng Jell Transport bus company. Kung natatandaan ninyo, isang Jell Transport na bus ang nakasagasa at nakapatay ng bata, habang naputulan naman ng braso ang ina. Ang resulta – lampas kalahati ang bumagsak sa pagsusulit! Sabi na nga ba eh. Marami ang hindi alam ang mga batas-trapiko, mga senyales, karatula, babala sa kalye! Kung paano nabigyan ng mga lisensiya ito, sila na lang siguro ang makakasagot niyan. Dapat itanong na rin ng LTFRB ang LTO kung paano sila nabigyan ng lisensiya.

Higit kalahati ang bumagsak. Ibig sabihin, higit kalahati ng walumpu’t-dalawang drayber ang naghihintay na lang ng aksidente. Kahit ano pang sabihin ninoman na ingat lang ang kailangan sa kalye para makaiwas sa aksidente, mahalaga pa rin ang may sapat na pagsasanay sa pag­ma­maneho, at marunong umintindi ng mga senyales at karatulang-trapiko. Kaya ipapasailalim na ng LTFRB ang lahat ng drayber ng bus sa pagsusulit, para masalin ang mga hindi dapat nagmamaneho ng pampublikong bus. Isusunod na rin ang mga drayber ng jeepney, taxi at trak. Malamang gagaan ang trapik kapag nakitang lampas kalahati rin ang bagsak sa exam! Malaki ang kailangang ipaliwanag ng LTO rito!

Sumagot naman ang mga operator ng pampublikong sasakyan na dapat pati mga pasaway na pasahero pagsabihan din at idaan din sa mga seminar. Dito makikita kung gaano kahinang mag-isip ang mga operator na ito. Kahit saan pa bumaybay o maghintay ng sakay ang mga pasahero, kahit maglupasay pa sila sa kalye, kung hindi hihinto ang mga bus, jeep at taxi para makasakay sila, walang magagawa ang mga pasahero kundi pumila at maghintay ng sakay sa mga takdang sakayan. Kaya lang naman nagiging pasaway ay dahil hinihintuan sila!

Sa mga maunlad na bansa, hindi nangyayari iyan, kasi lahat sumusunod sa mga tamang babaan at sakayan ng pasahero. Alam na alam mo talaga kung sino ang dapat mag-seminar! Nakapagtataka rin kung bakit naghintay pa ng mga malalagim na aksidente ang mga ahensiya bago ipatupad ang pagbibigay ng pagsusulit. Dapat maging istrikto na ang LTO, LTFRB, PNP at MMDA ukol sa kung sino lang ang dapat nagmamaneho ng mga sasakyan. Hindi na dapat makuha sa lagay at pakiusap ang pagkuha ng lisensiya. Responsibilidad ng mga drayber ang buhay ng mga nakasakay sa kanilang mga sasakyan, kaya dapat lang may sapat na pagsasanay at edukasyon ang mga iyan ukol sa pagmamaneho.

ALAM

DAPAT

DITO

DRAYBER

HIGIT

JELL TRANSPORT

KAHIT

KAYA

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with