^

PSN Opinyon

OFWs na nailigtas sa Kuwait, nagpasalamat kay Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay pinasala­matan ng mga OFW na tinulungan niya sa problema ng mga ito sa employer sa Kuwait na nagmaltrato at hindi nagpasuweldo sa kanila.

Sila ay na-repatriate sa Pilipinas at 14 sa kanila ay bumista kay Jinggoy sa Senado at ikinuwento ang pang-aapi ng kanilang employer na Medco cement and asphalt company sa planta nito sa Kabd desert kung saan sila nagtrabaho bilang machine operators at truck drivers.

Pinatira umano sila ng Medco sa mga container van na walang elektrisidad at tubig kaya tiniis nila ang matin­ding init sa disyerto. Hindi rin sila pinasuweldo mula noong Mayo kaya napilitan silang manghuli ng bayawak sa disyerto upang may makain. Dahil hindi nakapagpa­padala ng panggastos sa pamilya, nahinto sa pag-aaral ang kanilang anak.

Nang nalaman ni Jinggoy ang problema ay nanawa­gan siya ng tulong mula sa mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan. Iminungkahi rin niya na i-blacklist ang Medco at inatasan ang recruiters na Non-Stop Overseas Employment Agency Corp., SMA International, at Achie-vers Landbase Agency na i-repatriate sila.

Dahil sa pressure ay binayaran ng Medco ang back wages ng mga OFW at nag-provide  ang Non-Stop Overseas Employment Agency ng plane tickets sa ilan sa kanila. Ang dalawa pang agencies ay hindi tumulong. Noong Septyembre 5 ay nakauwi sila sa Pilipinas.

Pinapurihan ni Jinggoy sa pagkaresolba ng pro-ble­ma sina Ambassador Ri­car­do Endaya, Labor Attache Josephus Jimenez, Wel­­fare Officer Yolanda Peña­ randa at Dr. Chie Umandap, Naghain siya ng resolus­yon upang imbestigahan ang isyu.

Sa mga gustong lumi­ham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejer­cito Estrada, ipadala ito     sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.

AMBASSADOR RI

DAHIL

DR. CHIE UMANDAP

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR ATTACHE JOSEPHUS JIMENEZ

MEDCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with