^

PSN Opinyon

Ombudsman tinalikuran ebidensiya kontra Mike

SAPOL - Jarius Bondoc -

PATI kay Mike Arroyo ay sipsip ang anim na Ombudsman fact-finders sa ZTE scam. Hindi patas ang pagsuri nina Deputy Orlando Casimiro, Emilio Gonzales III, Robert Kallos, Rodolfo Elman, Cesar Asuncion at Jesus Micael sa ebidensiya. Kaya pakatandaan sila. Bababa sila sa kasaysayan kasama sina Garcillano, Bedol at Bolante.

Ilan lang ito sa mga pruweba ng interes ni Mike sa $329-milyon deal:

• Ayon mismo sa Ombudsman Joint Resolution, sumumpa si Jun Lozada na minsang kausap niya si Ben Abalos, tinawagan umano nito si Mike para pagkasun­duan ang komisyong makukuha sa ZTE project. Tumes­tigo rin si Lozada sa naganap na pulong nu’ng Disyembre 4, 2006, sa Wack Wack na dinaluhan ni Mike.

• Tumestigo si Joey de Venecia na pinalayas siya ni Mike sa NBN project at sinurot-surot sa isang pulong sa Wack Wack.

• Sinalaysay ko sa Philippine Star column, na sinum­paan sa Senado, ang kuwento ni Romy Neri na sangkot ang First Couple sa anomalya.

Naging supisyente para sa anim na Ombudsman fact-finders ang mga testimonya nina Lozada at de Venecia para isakdal nang graft sina Neri at Abalos. Pero hindi nila pinaniwalaan si de Venecia nang sumumpa ito na binusabos siya ni Mike at sinigawan ng, “back off.” Binale-wala rin bigla ang mga sinabi ko at ni Lozada.

Dagdag pa rito, umamin mismo si Mike sa media na dumalo nga siya sa pulong sa Wack Wack, bagamat pinabulaanan niya ang panunurot ng “back off.” Tulad nina Neri at Abalos, dinepensahan ni Mike ang sarili sa pamamagitan lamang ng kade-kadenang denials, Ito’y sa kabila ng detalyadong testimonya laban sa kanya. Ayon sa Korte Suprema noon pang 1996, hindi ma­ari manaig ang general denial kontra sa detalyado at positibong sumpa. Kaya niluto lang ng Ombuds- man ang fact-finding.

* * *

Lumiham sa jariusbondoc@ workmail.com

ABALOS

AYON

BEN ABALOS

CESAR ASUNCION

DEPUTY ORLANDO CASIMIRO

EMILIO GONZALES

FIRST COUPLE

LOZADA

VENECIA

WACK WACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with