^

PSN Opinyon

Elizabeth Ignacio

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KINUHA ni Lord the other day si sister Beth watot ni Very WM Ramon ‘Chito’ Ignacio.

Bukas dakong alas- 9:00 ng umaga matapos ang isang misa bandang alas-7:00 in the morning ay susunugin ang labi nito sa Sanctuarium dyan sa may Araneta Avenue, Quezon City.

Ipagdasal natin si Sis Beth kay Lord!

Hayden Kho, suspended

ONE year ang palitaw este mali pinataw pala na suspension kay Dr. Hayden Kho ng Philippine Medical Association sa case na ‘conduct offensive to the profession.

Sabi nga, palakpakan ang PMA.

Sa PMA assocation lamang suspended si Hayden at hindi sa pag-practice nito ng medicina kasi nga alaws pang decision ang Professional Regulation Commission.

Si Hayden, ay naging kontrobersyal matapos maging talk of the Philippines my Philippines dahil sa sex video scandal nila ni Katrina Halili et al.

Abangan.

Percy Lapid, minura ni Lacuna

ISANG kabaro ng mga kuwago ng ORA MISMO, at isa sa mga director ng National Press Club ang nagharap ng reklamo sa mga authorities dyan sa Manila dahil tinakot at minura siya ni dating Manila Vice-Mayor Danny Lacuna sa isang KTV bar.

Sa kuento ni Percy sa mga kuwago ng ORA MISMO, nasa Cafe d Malate ang pobreng alindahaw kasama ang kanyang mga kaibigan ng lapitan sila ni Danny at inumpisahan siyang duruin at murahin.

Hindi malaman ni Percy kung bakit naggagalaiti sa galit si Danny sa kanya gayon nagkakasihayan ang una at mga kasamahan nito sa club.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ganito rin ang inasal ni Danny kamakailan ng murahin niya at takutin si NPC director Joey Venancio.

Abangan.

Palakpakan ang PNP-AIDSOFT at PDEA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng PNP-AIDSOFT at PDEA ang dalawang tsekwa ng masakote ang mga kamoteng ito sa isang shabu laboratory dyan sa Sta. Rosa City, Laguna.

Nakalawit ng mga alagad ng butas este mali batas pala sina Song See Feng at Go Chang Son sa kanilang lungga sa Block 28, Lot 36, Villa Segovia Estante, Barangay Balibago sa nasabing province.

Naabutan ng mga ahente ng drug enforcement group ang dalawang kamoteng tsekwang chemist na nagluluto pa ng shabu.

Sayang at hindi pumalag ang mga kamote dahil kung nagkataon sila ang inilagay sa kawali at ginawang paksiw na lechon. Hehehe!

Multi-milliion drug bust ito kaya naman natutuwa ang mga ku­wago ng ORA MISMO, sa nasabing mga ahensiya na malaki ang tiwala sa kanila ng madlang people pagdating sa usapin droga.

Sabi nga, walang areglo.

Tiyak life sentence ang magiging hatol ng korte sa dalawang tsekwang chemist ng shabu.

Bayan mag-ingat ka!

HABANG nalalapit ang koleksyon este mali election pala ay mukhang tumataas ang crime rate tulad ng kidnapping, holdapan.

Bakit?

Pangangalap kaya ito ng funding sa mga bugok na politi­kong sasali sa eleksyon sa 2010?

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa dito nagtatapos ang problema sa kriminalidad dahil tataas pa marahil ang bilang ng mga magiging biktima ng mga kamoteng ganid sa pitsa.

Lahat yata ng maaaring pagkakitaan ay gagawin ng mga kamoteng ito basta makasiguro magkakamal ng salapi ang mga gusto nilang itakbong politiko.

Hindi lang usapin tungkol sa droga, kidnapping, smuggling echetera kundi ang usapin pitsa ang usapan.

Kaya madlang public mag-ingat kayo!

ABANGAN

ARANETA AVENUE

BARANGAY BALIBAGO

DR. HAYDEN KHO

GO CHANG SON

HAYDEN KHO

JOEY VENANCIO

KATRINA HALILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with