'Doc On Call' sa DZRH
MAY magandang balita kaming ihahatid sa inyo. Mariri-nig na po ninyo kami tuwing Sabado 5:00-5:30 ng hapon sa DZRH radyo (666 sa AM band). Ang tawag sa aming programa ay “Doc On Call,” ako at ang aking maybahay na si Dra. Liza Ong ang makakasama ninyo dito.
Bukod sa pagsusulat sa Pilipino Star NGAYON, PM (PangMasa) at sa Philippine STAR, kakaiba pa rin ang saya na makausap at makatulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng radyo.
Excited kami sa aming radio show dahil alam naming number 1 sa dami ng nakikinig ang DZRH. Mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, internet at abroad pa, nangunguna ang DZRH sa huling KBP RRC survey sa bansa. Milyun-milyon ang nakatutok sa DZRH.
Iniimbitahan ko po kayong makinig tuwing Sabado sa “Doc On Call” dahil iba’t ibang mga paksa ang aming tatalakayin na magugustuhan ninyo. Sigurado akong hin di pa ninyo ito naririnig sa ibang health programs.
Ito ang ilan sa aming mga susunod na paksa:
1. Mga paraan para humaba ang buhay.
2. Saging, ang pinakamasustansyang prutas.
3. Mga paraan para makatipid sa medikal na gastusin.
4. Paano magpapayat.
5. 20 pinakamasustansyang pagkaing Pinoy.
6. Hepatitis B, delikado ba?
Salamat Mr. Joe Taruc at Mr. Ruperto Nicdao, Jr.
Nagpapasalamat kami ng lubos sa DZRH sa pagkakataong makapagbigay ng payo at makatulong sa ating maysakit na kababayan. Salamat kay DZRH multi-awarded broadcaster Mr. Joe Taruc (Manong Joe) sa kanyang tiwala sa amin. Ang pangako ko kay Manong Joe ay public service lang talaga ang hangad namin. Malinis, tumpak at matapat na payo para sa mga tagapakinig.
Salamat din kay Mr. Ruperto Nicdao, Jr., ang magaling na presidente ng Manila Broadcasting Company (MBC). Dahil sa kanyang pamamalakad, number 1 ang DZRH sa AM at number 1 naman ang FM Love Radio 90.7 sa FM. Congratulations po sa MBC!
- Latest
- Trending