Villar no. 1 pa rin
HINDI matinag sa unahan sa mga survey si Senator Manny Villar dahil siya pa rin ang bandera sa mga kakandidatong pangguluhan este mali panguluhan pala na papalit kay Prez Gloria Macapagal Arroyo sa 2010 Presidential collection este election pala. Sabi nga, angat ng 33% si Manny! Second runner-up naman si dating Prez Erap Estrada dahil 25% ang nakuha nito sa survey, dead heat sa ikatlong puesto sina Senators Chiz Escudero at Mar Roxas, 20% ang nakuha, 4th si Vice Prez Noli ‘Kabayan’ de Castro, 19% at si Senator Loren Legarda, ang kulelat, 15%. Bumulusok pataas ang popularity rating ni Manny sa madlang people ng Philippines my Philippines compare last May porke 29% lamang ang nakuha nito noon. Sa survey ng bird este mali IBON pala foundation, si Manny pa rin ang bandera. Ika nga, far behind ang mga kalaban.
Pinalitan ni Manny sa unang puwesto sa bird este mali IBON pala si Ecudero. Sabi nga, pamorcast na lang. Hehehe! Leading si Manny sa dalawang kinikilalang survey (wala pa ang bagong survey ng Pulse Asia, at puso este mali Pulso pala (The Central) kaya huwag nating ikagulat kung ang ating bida ang pumalit sa trono ni GMA next election year.
Siempre dehins papayag ang kampo ng ibang presidentiables na manatili si Manny sa top of the world hanggang dumating ang 2010 elections. Ahasin este mali asahan pala ng madlang people sa Philippines my Philippines ang sangkaterbang negative reports na maglalabasan laban sa pambato ng Nacionalista Party tulad sa pagbuhay sa C-5 road projects. Isa sa ikinaangat sa survey ni Manny sa Philippines my Philippines ng hindi ito magsawa sa katutulong sa mga Overseas Filipino Workers na nagkaroon ng mga problema aboard este mali abroad pala. ‘Magtagal kaya si Manny sa tuktok ng karera para sa pagka-Prez?’ Tanong ng kuwagong utak talangka. ‘Siempre siya ang papalit kay GMA kapag nagkataon’sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame. ‘Paano puede bang diinan si Manny?’ ‘Wala ba talagang talo?’ ‘Baka kapusin sa unahan si Manny at mahila pababa?’ ‘Iyan kamote ang tingnan natin kung may eleksyon next year’ abangan.
Sa Kamara, dadanak ng dugo
KAPAG hindi naayos ang giyera patani ng dalawang kongresista sa Kongreso tiyak na may mangyayaring masama. Sa ngayon ay ‘world war’ pa lamang ang nangyayari sa pagitan nina Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo at Bantay party-list Rep. Jovito Palparan dahil pareho silang nagbabatuhan ng utot este baho pala. Muling nabuhay ang bangayan ng dalawang kongresista regarding sa usapin ni ‘Melissa Roxas’ ang Fi-Am bebot na sinasabing aktibista na hinarass daw ng militar. Naku ha! Noong una ay inakusahan ni Ka Satur na berdugo si Palparan bago pa man umupo ito bilang nanalong party-list Rep sa Kamara.
Ngayon ay gumanti naman si Palparan at ipinagbu-buyangyang na NPA si Ka Satur. Siempre mainit ang dalawang kongresista hindi sila nagtatabi dahil baka sumiklab ang apoy ay maghalikan sila este mali mag-suntukan pala. Hehehe! Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, bungangaan blues lamang ang mangyayari sa dalawang ito kapag nasa loob ng Kamara pero ang masama ay kung nasa labas sila ng Kongreso o ibang lugar at magkasalubong sila baka magkatuluyan silang mag-jack n poy este suntukan pala? Ang kinatatakot ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay hindi sina Ka Satur o Palparan ang magbanatan kundi ang mga bodyguard nila baka ito ang magkapikunan. Sabi nga, may mga bitbit itong boga sa katawan! Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat ng awatin at aregluhin ang away ng dalawang ito habang maaga pa ang problema kasi baka gabihin hindi na sila maawat. ‘Sino sa palagay ninyo ang mananalo kapag nag-boxing sina Ka Satur at Palparan? tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong. ‘Baka hindi sila pareho ng timbang siempre lamang ang mabigat’ sagot ng kuwagong urot. ‘Magaling ba silang mag-boxing ?’ ‘Si Palparan siguro dahil may training ito sa military “Paano si Ka Satur?’ ‘Kamote, iyan ang sagutin mo’ abangan.
- Latest
- Trending