Ang rating ni Villar
MASAMA raw ang loob ng ibang presidentiables na naungusan ni Sen. Manny Villar sa latest SWS survey. Ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS) bumagsak ang kanilang approval habang umangat sa ituktok si Sen. Villar. Duda raw ni Loren Legarda si Villar mismo ang nag-komisyon sa survey upang palitawin na ang senador ang nangunguna. Ngunit isa raw pahayagan ang nag-commission sa naturang survey at hin-di si Villar.
Di kataka-takang umangat lalo si Villar. Kumbaga sa produkto, mahusay ang “packaging” niya. Maganda ang epekto ng mga TV exposures niya na lumilikha ng positibong public perception sa kanyang imahe. Ipinaki-kita siya on film and sound na tumutulong sa mga OFWs. Ganyan din ang nakikita natin sa mga ads ng ibang presidentiables tulad ni Mar Roxas na marami ring advocacy ads sa telebisyon pero mukhang mas epek-tibo ang blitz ni Villar. Sa mga produkto, pahusayan ng diskarte ang labanan.
Kaya sa latest survey ng SWS si Villar ang pinaniniwalaan ng marami na siyang papalit kay Presidente Arroyo sa Malacañang matapos ang 2010 presidential polls.
Dati-rati si Sen. Chiz Escudero ang nangunguna sa survey ng prestihiyosong Ibon Foundation. Napalitan siya ni Villar na may 13.44 porsyento sa tanong na walang pinagpipiliang kandidato; at 17.12% sa tanong na may pinagpipiliang pangalan ng mga kandidato.
Si Chiz ay pumangalawa na lamang sa rating na 11.37% sa unang tanong at 15.32% sa ikalawang tanong.
Sa SWS survey, malayong pangalawa ang standing ni dating Pangulong Joseph Estrada (25%). Tabla sa ikatlong puwesto sina Senador Francis Escudero at Mar Roxas (20%) at pang-apat si Vice President Noli de Castro (19%).
Natural, hindi papayag ang kampo ng ibang presidentiables na manatili si Villar sa tuktok hanggang dumating ang 2010 elections. Asahang sari-saring batuhan ng putik ang mangyayari. Ganyan talaga ang pulitika sa Pinas. Kinapapalooban ng mga gimmick, dirty tactics at kung anu-ano pang “foul play” para ma-kaangat sa popularidad.
- Latest
- Trending