Nono-Lin, hindi konektado sa Pharmally Pharmaceutical Corp.!
NILIWANAG ni businesswoman-turned politician Rose Nono-Lin na hindi sister company ng kompanya niyang Pharmally Biological and Pharmaceutical Company ang kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corp., na sentro ng imbestigasyon ng House quad committee.
Sa kanyang pag-attend sa nakaraang quad comm, sinabi ni Nono-Lin na hindi siya opisyal o shareholder ng kontrobersiyal na kompanya, na ayon sa quad comm ay dumugas ng bilyones na pondo ng gobyerno noong panahon ng pandemya sa termino ni dating President Rodrigo Duterte.
Sa naturang hearing, iginiit ni Nono-Lin na magkaiba ang nagsarang Pharmally Biological sa Pharmally Pharmaceutical. O hayan, mga kosa maliwanag pa sa sikat ng araw ang paliwanag ni Nono-Lin ha? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kung sabagay, maging sa Senate Blue Ribbon Committee na nag-imbestiga sa P8 bilyon na kontrata na naibigay sa Pharmally Pharmaceutical noong 2021, ipinahayag din ni Nono-Lin ang paglilinaw na ito.
Paano naman kasi, may paid-up capital lang na P625,000 ang kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical subalit napunta sa nasabing opisina ang bilyones na medical supplies ng gobyerno ni Duterre sa COVID-19 response nila. Lampas langit na ang kinita ng kontrobersiyal na kompanya, ‘no mga kosa?
Kaya dapat lang talaga na alamin ang isyung ito at panagutin ang may sala o nasa likod nito. Mismooo! “I have no involvement in the operations of Pharmally Pharmaceutical Corp. Pharmally Biological is a different entity, and has no shares or stocks with Pharmally Pharmaceutical,” ang pahayag ni Nono-Lin.
“I am just an ordinary citizen and businesswoman making a living in a legal and fair means. All the accusations against me and my family were purely hearsay,” ang dagdag pa niya. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Subalit may mga dokumento na nagsasaad na ang asawa ni Nono-Lin, na si Lin Wei Xiong, isang Hong Kong national, ang financial manager ng Pharmally Pharmaceutical.
Hindi lang ‘yan, si Lin Wei ay close associate rin ni dating presidential adviser Michael Yang, na naglagak ng pondo sa nasabing kompanya.
Ayon naman sa mga abogado ni Nono-Lin, hindi naman maging basehan ang dokumento na itong Pharmally Biological at Pharmally Pharmaceutical ay sister companies, o maging si Lin ay opisyal o shareholder ng huling kompanya o may kontrata sa gobyerno ni dating President Duterte. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Kung ang asawa ni Nono-Lin at si Yang ay partners sa iba’ ibang aktibidad, nilinaw ng mga abogado na “it did not prove anything.” Sanamagan! “All these are speculations. She is not an officer [of Pharmally Pharmaceutical] nor involved in the operation or implementation of the contract,” ang giit pa ng abogado.
Magkakaroon din ng liwanag sa isyung ito, di ba mga kosa? Ano pa nga ba! Abangan!
- Latest