^

PSN Opinyon

Labanan ng pro at anti-marriage sa US

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

Mukhang hindi magpapatalo ang mga sumusuporta sa gay marriages dito sa US. Matindi ang ginagawang paglaban ng mga ito upang mapahintulutan bilang isang batas ang pagpapakasal ng isang lalaki o babae sa kaparehong kasarian. Habang walang tigil ang pagra-rally ng mga pro-gay marriage ang kanilang minimithing karapatan, wala ring humpay ang paghadlang ng mga anti-gay marriage.

Karaniwan nang nakikita ang labanang ito sa iba’t ibang parte ng US subalit sa North California ang pinaka­mainit. Hindi pa talagang alam kung saan hahantong ang tagisan ng dalawang panig. Subalit, ang nakararami ay hindi sang-ayon na maging legal ang kasalan ng magkapehong kasarian. Siyempre, hindi matitinag sa kanilang katayuan ang mga Katoliko at ang iba pang relihiyon na lumalabag ang gay marriage sa kanilang paniniwala.

Sa kabilang dako, kapansin-pansin na walang gaanong kaguluhan sa Pilipinas kung gay marriages ang pag-uusapan. Alam naman natin na marami ring bakla sa Pilipinas. Sa katunayan nga, marami sa kanila ang outstanding at may pambihirang achievements.

Sa Pilipinas, hindi magiging matagumpay ang kinaro­roonan ng telebisyon, pelikula at iba pang sining kundi dahil sa mga bakla at tomboy. Karamihan sa mga directors­, writers, producers ay gays. Halos lahat ng cou­turiers, beauty salons at iba pang may kinalaman sa pag­pa­paganda ay gays. Sa katu­nayan nga, kahit na sa pulitika o public office ay meron ding gays.

Hindi ko alam kung ano ang magiging pinal na kala­gayan ng pakikipaglaban ng gay marriage advocates. De­si­dido ring ipa­nalo ng mga anti-gay marriages ang ka­nilang paniniwala. May kanya-kanya silang kara­patan na ipinaglalaban. Pare­hong may batayan ang kanilang panini­wala. Sana, hindi maging ma­dugo ang patutunguhan ng dalawang panig.


ALAM

GAY

HABANG

KARAMIHAN

NORTH CALIFORNIA

PILIPINAS

SA PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with