^

PSN Opinyon

A very 'liquid' scam at MWSS?

- Al G. Pedroche -

ANOH? Kinse pesos na “tongpats” kada litro sa singil sa tubig unti-unting ipatutupad? Ngek, killing me softly iyan! Buking ang isang ‘midnight deal’ sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ito raw ang magiging epekto: Dobleng singil sa tubig dahil sa joint venture ng MWSS para sa Laiban Dam construction sa Tanay, Rizal. Ang kontrata ay nasa opisina na raw ni NEDA director general Ralph Recto awaiting approval.

Isang MWSS insiders ang kumumpirma sa nego­sasyon na nagkakahalaga ng $2 bilyon. Inokay ngayon kahit tinanggihan noon ni dating NEDA director general Romulo Neri dahil walang public bidding.

Bukod sa grabeng pagtaas sa singil sa tubig, humigit-kumulang sa 4 libong pamilya ang mawawalan ng tirahan sa pagsisimula ng water supply project na napasakamay ng San Miguel Bulk Water Corporation. Malapit na raw i-anunsyo ang simula nito. Mag-uumpisa namang tumaas ang singil sa tubig sa 2016.

Posible umanong kasuhan ng plunder si MWSS administrator Diosdado Allado sa pag-award ng proyekto sa San Miguel Bulk Water Corp. Lumabag daw ito sa Build Operate Transfer (BOT) Law. Sa bisa ng kontrata, aabot sa P15.5 bilyon kada taon ang babayaran ng gobyerno sa San Miguel Bulk Water Corporation na kikita ng P400 bilyon sa loob ng 25-taon.

At heto ang masaklap: “Under this deal, the Laiban dam project now owned by MWSS, becomes the property of San Miguel Bulk Water Corp forever, and will become the monopoly supplier to MWSS.’ anang ating impormante. Nagkakahalaga lang umano ng $1 bilyon ang proyekto sa nagdaang taon kaya nakagugulat ang pag-akyat sa $2 bilyon, mas malaki ng apat (4) na beses ang kontrata sa NBN-ZTE scandal. Mahalaga ang public bidding sa mga government projects. Iwas-ano- mal­ya ito wika nga. Pero hindi umano ginawa ng MWSS, sa ilalim ng pamumuno ni Allado.

1,900 milyong litro kada araw ang pangakong water supply ng San Miguel Bulk Water Corporation. Pero take note: Obligadong magbayad ang consumers kahit walang tulo ang mga gripo. Ganyan din ang nangyari sa independent power producers (IPPs) sa kasagsagan ng power crisis noong 1992 na nagresulta sa mataas na singil sa kur­yente ngayon.

Marami rin ang nagtataka kung bakit pinili ng MWSS ang Laiban water supply pro­ject sa Tanay gayung napa­ka­raming potential sources o mapagkukunan ng de-kali­dad na tubig sa mababang halaga. 

BUILD OPERATE TRANSFER

DIOSDADO ALLADO

LAIBAN

LAIBAN DAM

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

MWSS

PERO

SAN MIGUEL BULK WATER CORP

SAN MIGUEL BULK WATER CORPORATION

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with