^

PSN Opinyon

Maging alerto sa modus na hulidap!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Taun-Taon, dinadagsa ang tanggapan ng BITAG at Mission X ng mga sumbong na may kinalaman sa HU­LIDAP.

Ito yung notoryus na modus ng ilang tiwaling pulis na papainan ka ng iligal na bagay, huhulihin subalit hihingian lang ng pera para umano makalaya.

Droga ang kadalasang ginagamit ng mga tiwaling pulis sa likod ng hulidap dahil ayon kay Atty. Freidrick Lu, Mana­ging Director ng Lagmalaw- isang Legal Firm, ang pangil ng ating batas laban sa droga ang kina­ ka­sang­kapan.

Napapaloob umano sa Dangerous Drug Act of the Phi­lippines na gaano man kaliit o kalaki, gaano man kaunti o karami ang ipinagbabawal na droga na matatagpuan sa isang tao, walang piyansa kaagad ang hatol rito.

Ibig sabihin, hindi maaaring pansamantalang maka-laya ang sinumang mahuhulihan na may dala o in po-sses­sion ng iligal na droga.

Gayundin, dahil sa liit ng itsura ng droga, napakadali lamang na iipit sa daliri o kamay ang sachet nito para iplanta sa katawan ng tao lalo na sa mga bulsa ng kasuotan.

Paglilinaw din ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), hindi basta-basta magsasagawa ng ope­rasyon ang sinumang alagad ng batas laban sa ipinag­babawal na droga.

Ayon kay Atty. Alvaro Lazaro ng Legal and Prosecution Service ng PDEA, kinakailangang may koordinasyon sa kanilang tanggapan bago pa man isagawa ang drug bust o entrapment operation o pag-iisyu ng search warrant.

May isang eksepsiyon sa prosesong ito, kung ang operasyon ay tinatawag na on the spot o infa grante, isang uri ng pag-aresto kung aktuwal na ginagawa ang isang iligal na bagay sa harap mismo ng mga alagad ng batas.

Tinatawag din itong wa­r­rantless arrest dahil base sa aktuwal na iligal na ga­wain at ebidensiyang na-kita sa isang suspek na siya ay nagkasala.

Dito, maaaring pagka­tapos ng operasyon na ipa­alam sa PDEA ang hak­bang na ginawa ng mga lagad ng batas.

Ayon pa kay Atty. La­za­ro, bilang pangunahing ahensiyang sumasaklaw sa usapin ng iligal na droga, isang standard opera-ting procedure ang pag-coordinate sa kanilang tang­gapan, anumang uri ito ng operasyon laban sa droga.

Sila ang may kapang­ya­rihang pag-aralan at apru­bahan ang anumang uri ng operasyon na alinsunod na­ man sa kanilang panun­tunan sa bisa ng saligang batas.

Maliwanag ang pagla­bag ng mga tiwaling pulis na nasa likod ng hulidap dahil ang kanilang sistema, huli muna bago timbre sa-bay bayad muna bago laya.

Tsk-tsk-tsk, lumang es­tilo subalit maraming ino­senteng biktima pa rin ang naagrabiyado. Manood nga­yong Sabado ng gabi nang umiwas at matuto!


vuukle comment

ALVARO LAZARO

AYON

DROGA

DRUG ACT OF THE PHI

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FREIDRICK LU

ISANG

LEGAL AND PROSECUTION SERVICE

LEGAL FIRM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with