^

PSN Opinyon

Hindi magaya ng Iran ang people power sa Pinas

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

PINAG-UUSAPAN dito sa US ng mga Pinoy ang kagulu­hang nagaganap ngayon sa Iran. Inihahantulad nila ang nangyayaring people power sa Iran sa people power sa Pilipinas. Nagtagumpay na napatanggal ng mga Pilipino sa pagka-presidente si Ferdinand Marcos at Joseph Estrada sa pamamagitan ng mapayapang pag-aalsa.

Napansin nga lamang ng mga Pil-Ams ang pagka­kaiba ng dalawang people power. Napatalsik ng mama­mayang Pilipino sina Marcos at Estrada sa kanilang posisyon. Malaki ang nagawa ng US sa pagkakaalis ni Marcos sa posisyon nito nang sapilitang dinala ng mga Amerikano ang diktador sa Hawaii.

Samantala, mukhang hindi nagtatagumpay ang pagpo­ protesta ng mga Iranian upang hindi na makabalik sa kanyang posisyon si President Mahmoud Ahmadi­nejad dahil sa diumano ay nandaya ito sa katatapos na eleksyon. Ipinaglalaban ng mga mamamayan na si Hussein Mousavi ang dapat na maupo bilang presidente ng Iran sapagkat ito raw ang nanalo sa eleksyon.

Isa pang mahalagang pagkakaiba ng dalawang people power ay ang malaking tulong na ginawa ng yumaong Cardinal Jaime Sin para maging matagumpay ang rebolusyon. Sa Iran, sinasabi ng Pil-Ams na nagulat sila sa aksyon ng religious leader ng bansa na si Ayatollah Ali Khomenei dahil ang ipinag­tanggol at sinuportahan nito ay si Pres. Ahmadinejad sa halip na mga Iranians.

Napagtuunan lamang ng pansin ng Pil-Ams ang kagulu­han sa Iran nang dahil sa nang­yayaring people power sa bansa. Ang Pilipinas ay nakilala sa buong mundo sapagkat dito nagsimula ang matagumpay na people power. Subalit, may pa­subali ang Pil-Ams sa kahihinat­nan ng mga susunod pang mga people power. Sana naman ay hindi na paabutin pa sa suk­dulan ang pagtitiis ng mama­mayang Pilipino nang hindi na masu­bukan pang muli ang people power ng mga Pilipino.

ANG PILIPINAS

AYATOLLAH ALI KHOMENEI

CARDINAL JAIME SIN

FERDINAND MARCOS

PEOPLE

PIL-AMS

PILIPINO

POWER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with