^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mauubos ang tao dahil sa paninigarilyo

-

LIMANG milyong tao ang namamatay taun-taon dahil sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Sa loob lamang ng limang taon, 30-milyon ang nama­matay. At kung hindi maihihinto ng smokers ang ma­samang bisyo, maaaring maubos ang mga tao sa mundo. Nakakakilabot na ang pagkaubos ng sang­katauhan ay dahil lamang sa bisyo. Karaniwang ang mga sakit na emphysema, sakit sa puso at bronchitis nakukuha sa paninigarilyo. Ang ganitong pro­blema ay hindi naman dapat ipagwalambahala kaya kailangang paigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa paninigarilyo. Magkaroon ng mga makabu­luhang information campaign laban sa masamang dulot ng paninigarilyo.

Ayon sa report, 10 porsiyento ang nagagastos ng pamahalaan dahil sa mga sakit na nakukuha sa pani­nigarilyo. Ibig sabihin, nasasayang ang pera sapagkat napupunta lamang para sa pagpapaospital ng mga sugapa sa sigarilyo. Malaking halaga na sana ito kung maiipon at magagamit para sa iba pang serbisyo sa ma­mamayan. Ang ganda kung wala nang gagastusin para sa pagpapagamot ng sakit na nakuha sa pani­nigarilyo.

Ngayong Hunyo ang “No Smoking Month” at ma­ganda sana kung ngayon na rin uumpisahan ang pag­sasagawa ng mga hakbang para matulungan ang mga sugapa na bumitaw na sa masamang bisyo. Ngayon na rin magpanukala ang mga mambabatas ng mga gagawing pagbabago sa mga pakete ng sigarilyo para ganap namang maipabatid sa smokers ang masamang dulot ng paninigarilyo.

Sa ibang bansa, halimbawa sa Thailand, ipinasu­sunod na ang paglalagay ng mga retrato ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Halimbawa ay ang sakit na tinubuan ng bukol sa lalamunan, sugat sa dila, butas sa pisngi at iba pang nakaririmarim na sakit. Kapag ang mga retratong ito ay nakita ng smokers, baka hindi na sila manigarilyo at tuluyan nang iwan ang nakamamatay na bisyo.

Isa pa rin sa magandang paraan para maitigil na ang paninigarilyo at makaiwas sa mga sakit ay ang pagtataas ng buwis sa produktong ito. Kung tataasan ng buwis, magmamahal ang sigarilyo at hindi na maaabot ang presyo. 

Isa ring paraan na posibleng gawin para maitigil     ang paninigarilyo lalo ang mga kabataan ay ang pag­hihigpit sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga ito. Agad na dakpin ang may–ari ng establisimento, tindahan         at pati vendors na magbebenta ng yosi sa kabataan.

AYON

ISA

NGAYONG HUNYO

NO SMOKING MONTH

PANINIGARILYO

PARA

SAKIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with