^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Imbestigasyon sa noodle scam, bilisan

-

PUMASOK na ang Ombudsman sa imbestigas-yon sa noodle scam. Ito ay sa kabila na kinan­sela na ng Department of Education (DepEd) ang kontra­ta sa noodles factory. Natuklasan na over priced ang noodles na isinusuplay ng Jeverps Manufacturing. Ang noodles na isinusuplay ay may halo raw malunggay at itlog at lumalabas na P22 isang pack. Ang noodles na nabibili sa groceries at mga sari-sari store ay P5 hanggang P6 ang halaga. Noon pa raw 2005 nagsusuplay ang Jeverps sa DepEd para Feeding Program ng departamento. Ngayong taon na ito ang budget para sa noodles ay P427-million.

Tama lang na manghimasok na ang Ombudsman sa anomalyang ito. Hindi biro ang halagang P427-milyon para lamang sa noodles. At isipin na lamang ang maraming perang nakuha ng Jeverps sa DepEd na taun-taon ay tumataas pero noodles at noodles pa rin ang ipinakakain sa mg public school students. Kahit na sabihing may itlog at malunggay ang noodles, noodles pa rin ito na ang sangkap ay arina, asin at betsin. Anong sustansiya ang makukuha ng mga bata sa noodles. At isa pa, maaaring umay na umay na ang mga estudyante sa noodles. Sa totoo lang, noodles na ang kinakain noon pa ng mga mahihirap na Pilipino. Mas mura at madaling bilhin sa mga sari-sari store.

Magandang manghimasok ang Ombudsman sa anomalyang ito at sana naman ay agarang tapusin. Pagbayarin ang mga kasangkot sa anomalya. Hindi dapat magpabagal-bagal sa anomalyang ito at baka na naman magkabali-baliktad ang kaso. Dapat may maparusahan sa pagkakataong ito para naman maba­wasan ang mga matatakaw na nagpapasasa sa pera ng taumbayan.

Habang iniimbestigahan, mag-isip naman ang DepEd nang pansamantalang solusyon kung ano ang ipakakain sa mga batang papasok sa Lunes. Hindi dapat matigil ang pagpapakain sa mga estud­yante sa public school. Huwag naman sanang noodles baskus mga masusustansiyang pagkain ang ibigay sa mga bata.

ANONG

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

FEEDING PROGRAM

HABANG

JEVERPS

JEVERPS MANUFACTURING

NOODLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with