^

PSN Opinyon

Edu sa 2010 ano plano?

- Al G. Pedroche -

SASABAK daw sa senatorial race sa 2010 ang kaibigan nating si Optical Media Board chair at batikang TV host na si Edu Manzano. Totoo na ba yan Doods? Aba, matu­tuwa ang legions of fans mo kung positive.

Urong-sulong kasi itong si Edu eh. Halimbawa, noong 2007 umugong din ang balitang tatakbo siya sa senatorial race. Pero sa di malamang dahilan, nag-back-out siya. Well, may sarili siguro siyang dahilan na dapat respet­yuhin.

Si Edu ang may brainchild sa bagong kilusang “Ako Mismo” na nag-aadvocate ng pagbabagong nagmumula sa sarili. Alam n’yo ba na tatlong araw lamang matapos ilunsad ang kilusang ito mayroon na kaagad      na 560,000 katao ang sumanib?

Kung ibabatay natin ito sa Pulso ng Bayan survey noong Enero, hindi na tayo magtataka. Sa survey na ito, lumalabas na si Edu ay kasama sa top ten sa hanay ng 65 na may potential sa pagka-senador.

Sinasabi ng ilang political analyst na malakas ang potensyal ni Edu kung kakandidato at pagbibigyan ang clamor ng marami. Kung ihahambing daw si Edu sa ibang artistang nag-senador, mas may “k” siya dahil sa ma­gandang track record bilang public servant.

Naging konsehal at vice-mayor siya ng Makati bago siya hinirang ni President Gloria sa OMB. Bukod diyan, naging Pangulo na rin si Edu ng Vice Mayors League at Ka­pisanan ng mga Artista sa Pilipinas (KAP). Huwag na nating sabihin ang pagiging black-belter niya sa judo, he-he-he!

At outstanding din naman ang performance niya sa OMB na kahit peligroso ay malaki ang naiambag sa pagbawas ng film piracy sa Pilipinas.

Edu sa 2010? Why not coconut?

AKO MISMO

ALAM

ARTISTA

EDU

EDU MANZANO

OPTICAL MEDIA BOARD

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA

SI EDU

VICE MAYORS LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with