^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Imbestigasyon sa helicopter crash

-

WALANG nababago kapag may nangyaring pagbagsak ng helicopter o eroplano — iimbes­tigahan at aalamin ang dahilan ng pagbagsak. Pero sa dakong huli, kahit na nakuha na ang tinatawag na “black box” ay wala pa ring ganap na matukoy kung ano ang dahilan ng mga pagbagsak. Ganyan lagi ang nangyayari kapag may mga pagbagsak. Hindi na malaman kung human error ba o sadyang luma na ang eroplano o mayroong sumabotahe. Wala nang nalalaman ang taumbayan. Hanggang sa may maulit na namang pagbagsak at ganito na naman ang mangyayari. Paulit-ulit lang.

Ang pagbagsak ng Bell 412 noong Martes Santo sa kagubatan ng Ifugao kung saan walong aide ni President Arroyo ang namatay ay isa sa mga matin­ding trahedya sa kasalukuyang pamahalaan. Naka­lulungkot ang pangyayari sapagkat sa isang iglap ang mga sakay ng helicopter ay agad naglaho. Isipin na lamang na maikli lamang ginawang pagbiyahe mula Loakan Airport sa Baguio City patungong Ifugao nang maganap ang trahedya. Ayon sa report, nakatawag pa si Press undersecretary Joe Capadocia at sinabing masyadong maulap ang papawirin at hindi makababa sa designated airport. Iyon ang huling tawag ni Capadocia at nawala na ang helicopter. Bukod kay Capadocia, namatay din sa crash si Brig. Gen. Carlos Clet, senior military aide; Marilou Frostrum, appointments secretary at ang mga piloto na sina Maj. Rolando Sacatani at Capt. Alvin Alegata. Tatlo pang aide ang kasamang namatay sa crash. Advance party sila ni Mrs. Arrroyo at magsasagawa ng inspection sa ginagawang kalsada sa Ifugao. Sumunod na araw, natagpuan na ang wasak na helicopter at nakuha sa loob ang mga sunog na katawan ng biktima.

Ilang taon na ang nakararaan, namatay din sa helicopter crash ang chief ng Phivolcs habang nagsasa­gawa ng inspection sa nasabi ring lugar. Bago ang pangyayaring iyon, isang helicopter din ang sumabit sa mga kawad ng kuryente sa San Pablo, Laguna at namatay din ang mga sakay nito. Nagkaroon din ng aberya ang helicopter na sinasakyan ng media men kaya napuwersang mag-emergency landing. Wala namang namatay sa mga pasahero.

Sunud-sunod ang mga pagbagsak ng helicopter at nagkakaroon ng mga imbestigasyon, pero wala namang matukoy na dahilan kung bakit nangyari.    Mas maganda kung ang iba pang helicopter na natitira ay huwag nang paliparin pa. Maaaring luma na ang helicopter at dapat nang igarahe. Huwag ilagay sa peligro ang buhay. Dapat din namang malaman ang kasanayan ng piloto.

ALVIN ALEGATA

BAGUIO CITY

CAPADOCIA

CARLOS CLET

HELICOPTER

IFUGAO

JOE CAPADOCIA

LOAKAN AIRPORT

MARILOU FROSTRUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with