Chefs, chemists at pharmacists kailangan sa US
MAY nasagap akong balita dito sa US tungkol sa mahigpit na pangangailangan ng chefs, chemists, pharmacists at comics cartoonists. Nauna ko nang naibalita na kulang na kulang ang mga Physical at Occupational Therapists dito sa Amerika. Nais kong liwanagin na marami pa ring kaila-ngang nurses dito subalit sarado pa rin ngayon ang US immigration sa pagbibigay ng work visa sa may gustong magtrabaho rito. Hindi pa rin masiguro kung kailan bubuksan ulit ito.
Malapit na naman ang school enrollment sa Pilipinas. Doon sa mga nag-iisip pa kung ano ang mabuti nilang kuning courses na magiging kapaki-pakinabang kung sakali mang makakapunta sila sa US. Marami na ngayon ang napagsabihang huwag na munang kumuha ng nursing dahil sa ubos na ang quota ng work visa para sa mga Pilipino nurses na gustong magtrabaho sa US.
Maaaring makatulong sa mga estudyanteng mag-eenrol ang natanggap kong balita. Siguro nga ay totoo ang balitang natanggap ko sapagkat maraming shipping companies ang nakita ko sa classified ads dito sa US na nangangailangan ng mga chefs ang mga shipping companies para sa kanilang mga luxury cruises. Siyempre, pati mga hotels at mga malalaking restaurants ay kailangan din ng mga chefs. Ayon sa mga balita, matataas at maraming benefits ang ibinibigay sa mga chefs. Ito ay sa US lamang. Marami pa nito sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
Marami ring factories at iba pang mga manufacturing companies ang nangangailangan ng mga chemists. Ang mga oil refineries ay kailangan din ng chemists. Ganoon din ang drug companies ay mga chemists din ang hinahanap. Ang dami ring mga pharmaceutical companies ay kailangan din ng mga chemists maliban sa mga pharmacists. Marami ring mga Hollywood movie production companies ang naghahabol sa mga cartoonists. Ang mga print publications lalo na ang mga comics ay naghahanap rin ng mga cartoonists.
Ang suhestiyon ko ay magtanung-tanong kayo sa mga employment recruiting agencies kung anu-ano ang mga in-demand ngayon na workers sa US o saan mang lugar sa abroad. Makakabuti rin kung gusto ninyong kumpirmahin ang tungkol sa balitang in-demand na trabaho sa US na natanggap ko.
Sana ay makatulong kahit na papaano ang mga balitang sinasabi ko sa inyo.
- Latest
- Trending