^

PSN Opinyon

Update sa reklamong inilapit sa BITAG ni KUYA.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

(1)

SA espasyong ito, nais lamang magbigay ng update ng BITAG hinggil sa inilapit sa BITAG na reklamo ng progra­mang Aksiyon ni Kuya sa UNTV (Hindi ito si KUYA ng Pinoy Big Brother).

Matatandaan na dalawang linggo na ang nakalilipas  ng pormal na i-turn over ang reklamo ng isang FX driver na pangha-harass at pananakot ng isang pulis-Maynila sa amin.

Sumbong ng FX driver na lumapit sa programang Good Morning Kuya, dati raw siyang kasama sa grupo ng abusadong pulis kung saan araw-araw, linggu-linggo at buwan-buwan nagbibigay sila ng butaw dito.

Kapalit ng nasabing butaw ay hindi sila paaalisin sa pamamasada ng FX at iwas-huli kahit sila’y mga kolorum pa.

Subalit nang maisipan nilang kumalas na sa grupo dahil sa kawalan na rin ng kita dahil sa labis na pangongotong ng lespu, kumuha sila ng prangkisa at bumuo ng isang lehitimong asosasyon.

Dahil dito, nagalit si lespu at naganap ang sarisari raw pangha-harass at pananakot. Kaya naman dahil sa sen­sitibong bagay na ito, inilapit sa amin ni KUYA (Daniel Razon) ang reklamong ito.

Isinagawa ng BITAG ang pagkontak sa mga nagre­reklamo subalit, hindi makontak ang kanilang numero. Kaya’t lumipas pa ang ilang araw bago muling magkaroon ng komunikasyon ang mga ito sa amin.

Nang dumating sila sa aming tanggapan, natuklasan ng BITAG na ang ugat ng kanilang problema ay agawan rin sa posisyon sa pamumuno ng kanilang asosasyon.

Napag-alaman din namin na nakasampa na pala ang kanilang reklamo laban sa pulis sa iba’t ibang sangay ng gobyerno katulad ng PLEB, National Police Com­mission (Napolcom) at ma­ ging sa korte.

Ikinagulat ito ng BITAG, lumalabas parang nagfo- forum shopping na ang mga nagrereklamo sa dami ng kanilang pinagsumbungan at pinagreklamuhan.

Ganunpaman, hindi ito excuse para tanggihan at bitiwan namin ang reklamo, dahil may elemento ng pa­nanakot at pang-aabuso ang sumbong, eksperto na rito ang aming grupo.

Kaya naman isang araw ang itinakda kung saan muling pagpa-planuhan ang mga hakbang na gagawin sa pulis upang matunton namin ito at maidokumento ang kanyang mga aktibi­dades.

Subalit tumawag ang   mga nagrereklamo, hindi   raw sila makakapunta da-hil may hearing para sa na­ sa­bing araw. Napag-usa­pang, sa susunod na araw na ito isasagawa, naghin­ tay ang BITAG.

Sa itinakdang araw at oras, hindi sumipot ang mga nagrereklamo. Sinu­bukan silang tawagan at itext ng BITAG, nagri-ring lamang ang numerong ini­wan nila sa amin. Abangan ang ika­lawang bahagi…

ARAW

BITAG

DANIEL RAZON

GOOD MORNING KUYA

KAYA

NAPAG

NATIONAL POLICE COM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with