^

PSN Opinyon

Rebelyn

DURIAN SHAKE -

Hustisya ang sinisigaw ng pamilya ni Rebelyn Pitao, 21, na bangkay nang natagpuan noong Hu­webes ng gabi isang araw matapos siyang dukutin ng di kilalang mga armadong lalaki habang siya ay lulan ng isang tricycle pauwi sa bahay nila sa Barangay Bago Galera, Toril district, dito sa Davao City.

Kalunoslunos ang sinapit ni Rebelyn sa kamay ng mga dumukot sa kanya dahil nga sa bakas ng tinding pagpahirap na dinanas niya. May limang saksak ng icepick sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang dibdib maliban pa sa strangulation marks sa kanyang leeg at maging ang pagpalo ng matigas na bagay sa kanyang mukha. Ngunit masaklap pa ang balitang ginalaw pa o ni-rape pa ng mga suspetsado si Re­ belyn.

Natagpuan ang bangkay ni Rebelyn sa Purok 5, Barangay San Isidro sa bayan ng Carmen, Davao del Norte na may tatlumpong kilometro ang layo mula dito sa Davao City.

Si Rebelyn ay anak ni Leoncio Pitao, na mas kilala rito na Kumander Parago bilang kilabot na leader ng mga rebeldeng New People’s Army. Si Kumander Parago ay siyang nasa likod ng mga pagkidnap noong 1999 kina former Brig. Gen. Victor Obillo at Capt. Eduardo Mon­tealto ay maging sa pagdukot noong isang taon kay Jose Manero na kapatid ni Norberto Manero na tinaguriang priest-killer.

Si Kumander Parago rin ang nasa likod ng raid sa armory ng Davao Penal Colony noong April 2007 at maging nitong nakaraang taon sa atake naman sa apat na banana plantations dito sa Barangay Mandug at Barangay Callawa.

At kapapasa nga lang ni Rebelyn sa Teachers’ Licensure Examination na siyang naging daan upang siya ay manilbihan sana bilang guro ng St. Peter’s College dito sa Toril ngayong darating na pasukan.

Walang ibang tinuturo ang mga militanteng grupo gaya ng Bayan Muna, Karapatan at maging ng National Democratic Front (NDF), kundi ang military na siyang may kagagawan sa pagdukot at pagpatay kay Rebelyn.

Kung mga sundalo nga ang may kagagawan ng krimen, sana maging tapat ang Armed Forces Eastern Command (Eastmincom) sa pahayag nito na papatawan sila ng nararapat na parusa. 

Isang hamon ito sa mga otoridad, lalo na sa Davao City Police Office (DCPO) na siyang inatasan sa Task Force Rebelyn. Gawin ninyo ang lahat ng inyong ma­kakaya na mabigyan ng hustisya ang kamatayan ni Rebelyn.

Anak nga si Rebelyn ng kumander ng rebeldeng NPA ngunit hindi naman tama na siya ang pagbayarin sa mga kasalanan ng kanyang ama.

Hustisya para kay Rebelyn!!!

ARMED FORCES EASTERN COMMAND

BARANGAY BAGO GALERA

BARANGAY CALLAWA

BARANGAY MANDUG

BARANGAY SAN ISIDRO

BAYAN MUNA

DAVAO CITY

REBELYN

SI KUMANDER PARAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with