^

PSN Opinyon

Ang P1.4 bilyon NIA project

- Al G. Pedroche -

INIREREKLAMO ng ilang bidders ang National Irrigation Administration (NIA). Napakahigpit daw na policy sa bidding. Ang mga kontraktor daw na gustong sumali ay dapat mayroon nang 25-taong karanasan sa kanilang negosyo. Tingin ko’y walang anomalous dito.

Siyempre, gustong makasiguro ng NIA na ang mga ma­bibiling heavy equipment ay mamamantini nang maayos dahil ang kompanyang nag-supply ay matatag at mapa­panaligan. Eh kung tumiklop bigla ang kompanya, sino ang mananagot kapag depektibo ang kagamitang nabili?

Nahaharap uli sa pagbatikos ang ilang agriculture officials dahil sa isyung ito. Tinutuligsa rin dahil nagbibigay daw ng prayoridad sa importasyon ng bigas kaysa sa pagpapalaki ng lokal na ani, pero, pinag-aawayan ang mga proyektong nauukol sa irigasyon na naglalayong maging self-sufficient ang bansa sa butil.

Heto na naman ang isang tinatawag na P1.4 bilyon “bidding scandal” daw ng National Irrigation Administration (NIA). Tungkol ito sa pagbili ng mga hydraulic excavator at iba pang mga kagamitang kinakailangan sa pagsasaayos ng mga irigasyon at drainage canal. Mayroon daw scam sa proyektong ito na tinatawag na panibagong “fertilizer scam”. Sa unang tingin, tila magandang tuligsain. Pero in fairness at bago tayo lumundag sa konklusyon, on-going pa pala ang proseso ng bidding at hindi pa naman nata­tapos. Wala pang kontratang nai-aaward batay sa nala-man natin sa NIA.

Hiningan natin ng reaksyon ang NIA. Sabi ng statement ng ahensya, ni hindi pa nakukumpleto ng Bids and Awards Committee (BAC) ng NIA ang evaluation stage. Ibig sabihin hindi pa masimulan ang post-qualification stage na daraanan bago ang awarding ng kontrata. Anang NIA, naglunsad ng disinfor­mation campaign laban sa P1.4 bilyon proyekto nito ang isa sa mga disqualified bidder.

Pitong kompanya ang lumahok sa bidding: Ang Maxima Machineries Inc., Civic Merchandising Inc., Transport Equip­ment Corp. (TEC), Wilan Merchandising Phils., Transtar Corp., International Heavy Equipment Corp. (IHEC), at ang TKC Heavy Industries Corp.

Ang Civic, Maxima, TEC at IHEC ay nagsu­mite ng mga bid noong Enero 19.  Ang Wilan at Transtar ay umatras at ang TKC naman ay hindi nagsumite ng bid o kahit letter of withdrawal. Naa­prubahan ng BAC ng NIA ang eligibility requirements ng Civic at TEC.  Pero hindi ang sa Maxi­ma at IHEC dahil hindi nag­sumite ng mga requirements. Ang Maxima uma­no ay nagsumite ng expired business permit samantalang ang IHEC naman ay nagsumite ng expired na tax clearance.

Naghain ng motion for reconsideration ang Maxi­ma at IHEC ngunit nag­de­sisyon ang BAC na iba­sura ang mga ito sa loob ng pitong araw, alin­sunod sa Implementing Rules and Regulation ng RA 9184. Ibinalik ng BAC ang mga bid ng Maxima at IHEC nang hindi nabu­buk­san.  Pero sa halip na mag­hain ng protesta sa loob ng pitong araw, naghain ang Maxima ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court laban sa NIA, sa BAC nito, sa TEC at sa Civic. Sabi ng Maxima, sobrang higpit daw ang BAC sa mga rekisitos nito sa mga bidders. Eh bakit hindi mag­­hihigpit gayung milyun-milyon at hindi birong ha­laga ang naka­taya sa mga proyektong iyan na ka­pag pumalpak ay gob­yer­no rin ang masisisi.

vuukle comment

ANG CIVIC

ANG MAXIMA

ANG MAXIMA MACHINERIES INC

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

NIA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with