^

PSN Opinyon

Nakadikit na sulat sa sample products

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

DISTRICT manager sa isang pharmaceutical company si Carlo noon pang 1992. Nakatoka sa kanya ang Min­danao. Ang trabaho niya ay ang pagpapasikat ng mga produkto ng kom­panya sa mga doktor, pagbebenta ng gamot sa mga botika at tindahan, at pamamahala sa area managers sa kanyang distrito.

Nagkaroon ng audit noong June 22, 1998 kung saan na­ tagpuan ng auditor ang 20 pakete ng mga sample na produkto ng kompanya sa kotse ni Carlo. May nakadikit itong sulat pasasalamat ng kanyang ama para sa mga sumuporta rito noong eleksyon ng Mayo 1998.

Nang pinagpaliwanag, inamin ni Carlo na siya ang nagpa-dikit ng mga sulat sa mga sample ng produkto. Ngunit awtori-sado raw ang pamimigay ng sample dahil ang mga bibigyan nito ay mga doktor na humingi ng mga sample at sa mungkahi na rin ng isa sa mga doktor nilang kliyente upang ipamigay sa mga health center.

Nagkamali raw siya sa kanyang ginawa. Humingi siya ng rekonsiderasyon. Ipinilit niya na wala namang nang­yaring masama at walang perwisyong inabot ang imahe ng kompanya dahil talaga namang ipinamigay ang mga sample at kahit siya o ang kanyang pamilya ay hindi nakinabang dito.

Matapos mag-imbestiga at makapagsumite ng ebidensiya, tinanggal pa rin si Carlo sa trabaho. Ayon sa kompanya, ang posisyon na pinanghahawakan ni Carlo ay nagtataglay ng tiwala at kumpiyansa ng kompanya. Inamin din daw niya ang pagdidikit ng mga sulat-pasasalamat ng tatay niya sa mga tagasuporta sa pulitika at ang plano niyang pamamahagi ng mga sample sa mga tagasuporta nila bilang pasasalamat sa pagtulong sa eleksyon. Nilabag daw ni Carlo ang mga batas at alitun­tunin ng kompanya at nararapat lamang na tanggalin siya sa trabaho. Tama ba ang kompanya?

TAMA. Dalawang klaseng posisyon ang masasabing nagtataglay ng tiwala ng kompanya. Ang una ay ang tinatawag natin na “managerial employees” ng kompanya. Sila ang gumagawa o kaya ay nagrerekomenda ng mga patakaran ng kompanya tungkol sa pagkuha, pagtanggal, paglipat, pag­suspinde at pagdisiplina sa mga empleyado. Ang pangala-    wang klase naman ay gumagawa ng normal at ordinaryong trabaho sa araw-araw ngunit huma­hawak ng malalaking hala-ga ng pera, produkto o ari-arian ng kompanya tulad ng kahera, auditor at iba pa.

Sa kaso ni Carlo, tinanggap siyang magtrabaho upang hawakan ang mga produkto ng kompanya na ipinama­mahagi sa mga doktor at para ibenta sa mga botika at tindahan. Malaki ang halaga ng hinahawakan niyang mga sample na produkto ng kompanya. Sa ating batas, nasa pangalawang kategorya siya ng mga empleyadong pinagkakatiwalaan ng kompanya.

Ang ginawa niyang pagdidikit ng mga sulat-pasasa­lamat ng kanyang ama sa mga sample na produkto ng kompanya ay sapat upang mawala ang tiwala at kum­piyansa sa kanya ng kompanya.

Bilang “bisor”, dapat na maging mabuting halimbawa siya sa kanyang mga kapwa empleyado dahil sa mas mataas ang tiwalang binibigay sa kanya ng kompanya.

Samakatuwid, malinaw na nilabag ni Carlo ang tiwa­lang ibinigay sa kanya ng kompanya. Dapat sana’y nagpa­alam muna siya at hiningi ang permiso ng kompanya bago niya ginamit ang mga sample sa kanyang pansariling interes o kahit pa sa interes ng iba. Nakasaad ito bilang isa sa mga patakaran ng kompanya. Kung tutuusin, malinaw na pinag-interesan niya ang produkto ng kompanya. Hindi niya ito isinoli, dinikitan ng sulat ng tatay niya at balak pa niya itong ipamigay sa mga tagasuporta ng ama.

Nasunod ang dalawang kondisyones na hinihingi ng batas kaya’t tama lamang na tanggalin siya sa trabaho. Ngu­nit dapat pa rin nating pakinggan ang pagmamaka­awa ni Carlo. Dahil sa hindi naman ganoon kagrabe ang kan­yang pagkakamali, dapat na bayaran pa rin siya ng separation pay na katumbas ng isang buwang suweldo kada taon ng serbisyo. Kahit papaano, makakabawas ito sa sakit ng pagkakatanggal sa kanya sa trabaho (Bristol Myers Squibb Philippines Inc. vs. Baban, G.R. 167449, December 17, 2008).

vuukle comment

BRISTOL MYERS SQUIBB PHILIPPINES INC

CARLO

KANYANG

KOMPANYA

NIYA

PRODUKTO

SAMPLE

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with