^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naiwang toxic sa dalawang dating US bases ipalinis

-

NAAPRUBAHAN na ng US government ang pag­bibigay ng tax free lump sum para sa mga Pinoy war veterans. Makatatanggap ang mga beteranong narito sa Pilipinas ng $9,000 at $15,000 naman sa mga Pinoy na nasa US. Wala nang problema ang vete­rans. Si Barack Obama lamang pala ang makalulutas ng problema. Kahit maliit ang matatanggap na hala­ga, at least matatapos na rin ang paghihirap ng veterans.

Kung nagawa ni Obama ang para sa kapakanan ng war veterans siguro naman panahon na rin para marinig niya ang panawagan ng mga grupo ukol sa paglilinis ng naiwang toxic sa Clark at Subic. Matagal na panahong inokupahan ng US ang dalawang bases at sa panahong paglagi nila, maraming basura silang naiwan. At hindi lamang basta basura ang kanilang naiwan kundi nakamamatay na basura. Matagal     nang pinaglalaban ang usapin sa toxic pero walang pagkilos ang US government.

Ang Dominican Order sa Pilipinas ay isa sa mga grupong humihiling sa US para linisin ang iniwang toxic. Lumapit na sila sa United Nations Commission on Human Rights. Ayon sa Dominican, nasa 375 katao, 282 dito ay mga bata na nakatira sa paligid ng Subic ang namatay dahil sa leukemia. Labindalawang kaso naman ng mga taong nakatira sa paligid ng Clark ang na-monitor na may leukemia. Tinatayang nasa 8,000 workers sa dating Subic Ship Repair Yard ang na-exposed sa asbestos, radioactivity at iba pang toxic chemicals.

Labing-siyam na taon na ang nakararaan mula nang umalis ang mga Amerikano sa Subic at Clark at sa loob ng panahong iyon ay marami na ring buhay ang napinsala at karamihan ay mga walang malay na bata. Ang dalawang dating American bases ay ikinonvert na ng gobyerno sa economic free ports mula noong 1991. Napaganda at naging kaaya-aya sa paningin ang lugar. Malinis, maayos at may disipli­na sa trapiko sa loob ng dating mga base. Subalit sa kabila niyan, mayroon palang nakalimutan ang gobyerno — ang mga toxic wastes na naiwan sa dalawang base at unti-unting gumagapang at puma­patay partikular sa mga kawawang bata.

Nagawa ng bagong US President ang para sa kapakanan ng mga war veterans at walang dahilan para naman niya harapin ang paglilinis sa iniwan nilang basurang nakamamatay. Kailangang makita na ng gobyernong America ang masamang dulot ng basurang iniwan. Dapat din namang gumawa ng hakbang ang RP government para mapilit ang gobyernong Amerikano ukol sa problema ng toxic.

AMERIKANO

ANG DOMINICAN ORDER

HUMAN RIGHTS

MATAGAL

PARA

PILIPINAS

PINOY

SI BARACK OBAMA

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with