^

PSN Opinyon

Ang mga pakpak nina Bro. Mike at kaalyado

- Roy Señeres -

MAY kasabihan sa English “birds of the same feather flock together”. Si Bro. Mike Velarde, si Mel Robles, si Carissa Coscolluela at si Irwin Tieng ang mga naghaharing uri ngayon sa Buhay Party List matapos nilang initsapuwera ang anak kong si Christian na two termer congressman at secretary general ng nasabing partido.

Pare-pareho ang mga pakpak ng mga nabanggit kong mga nilalang. Lahat sila at ang mga kaalyado nila ay sangkot sa mga malalaking anomalya. Si Bro. Mike ay may pending na plunder case sa Korte Suprema kaugnay sa maanomalya niyang pagbenta ng malawak na lupain sa C-5 sa Parañaque City. Si Mel Robles naman na pangulo kuno ng Buhay Party List may kaso rin sa Ombudsman kaugnay sa maanomalyang transaction sa LRTA kung saan siya ay administrator.

Si Irwin Tieng na representative ngayon ng Buhay ay anak ni William Tieng na sangkot sa pagbebenta ng milyun-milyong expired na tsokolate sa Duty Free Philippines. Si Carissa Coscolluela naman na representative din ng Buhay ay anak ng isang Boy Coscolluela na Director ng SBMA na sangkot ngayon sa ma-anomalyang pagputol ng mga historic heritage trees sa Subic.

Dati ring Chief of Staff ni Sen. Dick Gordon si Carissa Coscolluela kung saan nakasama niya si Michael Kho na Director General ng Duty Free Philippines at best friend diumano silang dalawa. Si Rene Velarde na anak ni Bro. Mike ay asawa ni Beng Velarde, na Deputy Director Ge-neral naman ng Duty Free.

Tila kabit kabit talaga ang mga ito, dahil si William Tieng din ang may-ari ng Fiesta Mall na inuupahan ngayon ng Duty Free sa sobrang taas at maanomalya na presyo, at lumalabas na luging-lugi ang gobyerno sa usapang ito.

May koneksyon din kaya na supportado ni Mel Robles si DENR Secretary Lito Atienza sa kanyang bangayan sa kabilang faction ng Liberal Party? Sanhi ito ng pagdududa, dahil si Atienza ang nagbigay ng permit sa pagputol ng   mga kahoy sa Subic. Ang mga tsokolateng expired na ay lason at maaring makamatay; ang mga kahoy na pinuputol at pinapatay ay nakapipinsala sa kalikasan; ang mga pasa­hero ng LRTA ay nalalagay sa alanganin kapag hinahaluan ng corruption ang pamama­lakad nito; ang buong bayan ang nananakawan at napipin­sala kapag sobra-sobra ang kickback na nasasangkot katulad ng nangyari sa C-5.

Kaya mukhang hindi na Buhay Party List ang pinag-uusapan natin dito kundi “Buhay Patay Party List”.

BENG VELARDE

BOY COSCOLLUELA

BUHAY PARTY LIST

CARISSA COSCOLLUELA

DUTY FREE

DUTY FREE PHILIPPINES

MEL ROBLES

SI BRO

WILLIAM TIENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with