^

PSN Opinyon

Usec. Bautista, kumilos ka sa kaso ng Sulpicio Lines

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MARAMI na ang nagugutom na empleyado at kanilang pamilya dahil sa kapabayaan ng Sulpicio Lines. Ito ang matunog na usap-usapan sa ngayon sa bakuran ng Maritime Industry Authority (MARINA). Ang pangunahing dahilan umano ay ang patuloy na pagmamatigas ng Sulpicio sa mga inatas na requirement ng MARINA, katulad na lamang sa pag-retaining ng lahat ng mga empleyado nito sa barko.

At dahil nga sa talagang super sa tigas ang ulo ng management ng Sulpicio ay napipintong mawalan ng tuluyan ng pag-asa na maibalik sa karagatan ang mga pampasahero nitong barko, he-he-he! Mantakin ninyo mga suki, kumuha umano ang Sulpicio Lines ng isang eskuwelahan na pagti-trainingan ng kanilang mga empleyado subalit nabuking ng MARINA na hindi pala ito accredited ng pamahalaan. Ay ano ba yan Jordan at Eduardo Go!

Bakit naman sa dinami-dami ng paaralan na dapat ninyong pagsanayan ng inyong mga seamen ay sa palpak pa kayo kumapit. Ano ba talaga ang inyong plano sa inyong kompanya? Kuntento na ba kayo na habang panahon na lamang titingala sa langit ang lahat ng inyong empleyado. Kung talagang nais ninyong makabalik sa karagatan ang inyong mga barko, dapat lamang na sundin ninyo ang requirements na hinihiling sa inyo ng MARINA upang matapos na ang pag-ipit sa inyong kompanya.

Paano makasisiguro ang ating mamamayang sasakay sa inyong mga barko kung patuloy ninyong nilalabag ang kautusan ng MARINA? Dapat pa bang ipangalandakan ninyo na nalulugi na ang inyong kompanya dahil sa pang-iipit ng MARINA sa inyong mga barkong pampasahero?

Kung maipakikita lamang ninyo marahil sa MARINA at sa sambayanan na sinsero kayong tutupad sa alitun­tunin ng batas pandagat tiyak na muling makababalik ang inyong barko sa karagatan at tiyak na magkakamal kayo ng limpak-limpak na salapi. Hala kilos MR. Jordan and Eduard Go at baka magbago ang pananaw ng taga MARINA sa inyong kompanya.

Hindi lamang pala Sulpicio Lines ang dapat sisihin sa lahat ng trahedya sa karagatan dahil ayon sa mga ugong-ugong na nakarating sa akin, may kapalpakan din umano itong tanggapan ni Usec. Elena Bautista kung kaya nagmamatigas ang Sulpicio Lines.

Katulad na lamang umano sa super bagal na pagdinig ng kaso ng Sulpicio Lines. Atras abante rin umano ang MARINA sa disisyon nito na hanguin na ang Princess of the Star sa karagatan ng Sibuyan Island, Romblon. At habang nakabimbin ang kaso ng Sulpicio Lines sa tanggapan ng MARINA, marami pa ring kababayan diyan sa Romblon ang kumakalam ang sikmura.

Ang dapat ninyong gawin Usec. Bautista ay magtatag ng Admiral Court na didinig sa lahat ng kasong pandagat upang mapabilis ang aksyon sa mga nagkakasala. Hala Kilos na Usec. Bautista at marami na ang nagugutom sa super bagal mong aksyon.

Abangan!

ADMIRAL COURT

BAUTISTA

EDUARDO GO

ELENA BAUTISTA

INYONG

MARINA

SULPICIO

SULPICIO LINES

USEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with