^

PSN Opinyon

Alternative Presidentiables

- Al G. Pedroche -

ISYUNG binubusisi ng Senado ngayon ang mga anomalous bidding at mga contractors na kinondena ng World Bank. Mga contractors na malakas ang kapit o kakutsaba ng ilang opisyal ng pamahalaan kaya nakokopo ang mga proyekto kahit di kuwalipikado. Kaladkad na naman pati pangalan ni First Gent Mike Arroyo. Tanong ng Barbero kong si Mang Gustin: Kailan pa ba mapupuksa ang katiwalian? Paulit-ulit pa ring nagaganap.

By the way, si Mang Gustin ay isa sa mga tagahanga ni Metro Manila Development Authority Chair Bayani “BF” Fernando. Aniya habang ako’y ginugupitan “Natatandaan mo ba na si Fernando ang siyang namumuno sa Department of Public Works and Highways noong 2003?”

“O, ano’ng nangyari?” tanong ko. “Nakalimutan mo na ba na napatalsik siya sa puwesto dahil mayroon siyang proyektong ni-reject na may “bendisyon” ng isang implu­wensyal na padrino? Nabisto kasi niya na may halong anomalya.” Dugtong pa niya, kahit napipintasan si Bayani sa mga ginagawa niyang pagtibag sa mga illegal na istruktura, siyento-porsiyento siyang sumusuporta rito dahil “basta’t tama dapat ipatupad kahit sino pa ang masaktan.” At kaugnay ng naturang survey, sinabi ni Gustin na “nagbu­bunga na rin ang mga pagpapakitang-tapang ni BF sa implementasyon ng tama.” Tuwang-tuwa si Mang Gustin sa pagsirit ni BF sa pang-7 puwesto sa isang survey dahil dati’y kulelat siya. Lumilitaw ngayon na naungusan pa niya si Sen. Dick Gordon na mayroon lang 5 percent approval lang.

Ang tinutukoy natin ay ang survey na ng “Pulso ng Pilipino” na isinasagawa tuwing papasok ang Bagong Taon. Ang survey na ito ay pinamamahalaan ng Advocacy Center, kasapi ng World Association for Public Opinion Research (WAPOR). The survey covers January 6-9. Ayon sa survey na ito, napunta raw si BF sa 7th place kasama si Sen. Mar Roxas na kapwa may rating na 6 percent.

Sabi nga ng katoto nating kolumnistang si Antonio Aba­ya, kailangan ng bansa ang isang leader na may malayong pa­nanaw na makapagsisimula ng isang social and cultural revolution. Sabi naman ni Ba­yani na isang engineer, “I want to be remembered not as a builder of roads but a builder of character.”

Payo ni Mang Gustin sa kan­yang mga kababayan, kilatising mabuti ang bawat kandidato. Piliin ang mga may maganda at malinis na track record. Para naman sa akin. dapat din nating idagdag sa criteria ang pagiging maka-diyos ng isang kandidato. Wika ng Bible: “The fear of God is the beginning of true wisdom.” Ang leader na may pi­tagan sa Diyos ay mangi­­­ngilag sa lahat ng katiwalian at kasa­maan. Ikon­sidera pa natin ang ibang alter­natibong ma­pagpipiliian at hingin ang pat­nubay at gabay ng Pangi­­noong Diyos. As I’ve said, di na tayo ubrang mag­kamali pa sa 2010.

ADVOCACY CENTER

ANTONIO ABA

AS I

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MANG GUSTIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with