^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Me paraan na ba sa mawawalan ng trabaho?

-

SA Department of Labor and Employment (DOLE) na nanggaling na 250,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa susunod na anim na buwan. Ayon sa DOLE, ang global financial crisis ang dahilan ng pagkawala ng trabaho. Ayon pa sa DOLE noong nakaraan pang December ay mayroon na silang na-rekord na mga manggagawang nawalan na ng trabaho at umabot na iyon sa 30,000. Ngayong January ay inaasahang aabot na sa 35,000 ang mawawalan ng trabaho at sunud-sunod na sa loob ng anim na buwan.

Nakapangangamba ang report na ito ng DOLE at maaaring hindi sila nagbibiro sa dami ng mga manggagawang mawawalan ng trabaho. Ngayon na yata lubusang mararamdaman ang hagupit ng global financial crisis. Tiyak na hindi sila nagkakamali sa figure ng mga mawawalan ng trabaho.

Ang tanong ay kung meron na bang nakahandang plano ang gobyerno sa mga mawawalan ng trabaho? Malinaw na hahagupit na ang krisis at dapat ay mayroon nang mga hakbang kung paano mabibigyan ng pagkakakitaan ang mga kawawang natanggal sa trabaho. Mahusay kumuha ng tala ang DOLE sa mga masasagasaan ng krisis pero meron din ba silang inihahandang pangsalo sa mga kawawang mangga­gawa. Hindi kaya mahusay lamang sila sa pagtaya ng mga mawawalan ng trabaho pero wala namang naiisip na paraan kung paano mareresolba ang mga problema sa unemploymnent.

Kabilang sa mga unang nawalan ng trabaho noong December ay ang mga overseas Filipino workers. Nagsara ang mga kompanya makaraang bumag­sak ang ekonomiya ng United States. Nalumpo ang ekonomiya at tila kanser na kumalat at apektado     ang mga malalaking bansa gaya ng Australia, Britain, Canada at dito sa Asia ay mababanggit ang Taiwan. Umuwing laglag ang balikat ng mga OFW na hindi pa nababayaran ang utang na pinanglagay sa recruitment agency.

Pinangako noon ni Mrs. Arroyo ang milyong tra­baho. Ilang beses binanggit sa mga SONA at pagta­talumpati niya. Pero hanggang ngayon wala pa ring milyong trabaho na nakikita ang mamamayan. Kung magtatagal ang krisis, lalo nang kawawa ang mga maliliit na manggagawa.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ILANG

KABILANG

MAHUSAY

MRS. ARROYO

NGAYONG JANUARY

TRABAHO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with