Paalam, Mama!
KAMI ni President Erap, ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ang buong pamilyang Ejercito ay lubos na nagdadalamhati sa pagyao ni Mama Mary Ejercito.
Ang itinuring na haligi ng pamilya Ejercito ay puma-naw noong Martes ng hapon sa edad na 103. Pumanaw siya na hawak ni President Erap ang kanyang kamay.
Mula pa noong una, si Mama ang nagsilbing inspirasyon ng buong pamilya, lalo na ni President Erap, partikular sa kanyang propesyon, paglilingkod sa bayan at pagpasok sa pulitika.
Si Mama ang pinagmulan ng lakas ng loob ni Pre-sident Erap para maging matatag sa harap ng mga hamon at pagsubok. Ayon kay President Erap, ang laging bilin ni Mama sa kanya at sa kanyang mga kapatid ay magdasal, anuman ang maging sitwasyon sa buhay.
Si Mama ay tunay na halimbawa at modelo ng kabutihan at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa tao. Siya ay relihiyosa, madasalin, madisiplina at mapagkawang-gawa. Marami siyang tinulungang charity organiza- tions tulad ng Damas Filipinas orphanage. Noong 1998 ay ginawaran siya ng “Ulirang Ina” award ng Philippines’ Elderly Persons Foundation.
Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga nagmamahal kay Mama at nakikiramay sa aming pa milya.
Ang kanyang mga labi ay dadalhin ngayong Sabado nang umaga mula sa pinagburulan sa St. John the Baptist Church patungo sa huling himlayan sa musoleo ng mga Ejercito sa San Juan City Public Cemetery, kung saan nakahimlay din ang labi ng kanyang naging buti-hing asawang si Emilio Sr. at mga kapatid nito.
Nalulungkot kami dahil wala na si Mama, pero alam naming siya naman ay nasa mapayapang kalagayan na ngayon at makakapiling na niya ang Poong Maykapal.
Mamamalagi ang kanyang alaala sa kanyang pamilya at sa mga taong tumatanaw sa kanya ng inspirasyon.
Paalam, Mama, at salamat sa iyong iniwang ma-sasayang alaala. Patuloy ka naming magiging mo-delo sa pagiging mabuting mamamayan.
Patuloy din naming isasabuhay ang iyong mga bilin, lalo na ang tuwinang pagdarasal at ang mata- tag na pananalig sa ating Panginoon.
- Latest
- Trending