^

PSN Opinyon

Ang pag-ibig at ang krisis

- Roy Señeres -

NAPAKAGANDA ng sinabi ni Manila Archbishop Gau­dencio Cardinal Rosales na maaaring makatawid sa krisis ang mga pamilyang Pilipino kung ang mga taong naka­tanggap ng biyaya sa Diyos ay maghandog ng kanilang sharing sa mga maralita hindi lamang sa araw ng Pasko, kundi sa lahat ng araw, lalo na ngayon sa mga darating na araw sa Bagong Taon.

Mas maganda sana kung ang pag-iisip ng ating liderato sa gobyerno ay maging katulad ng pag-iisip ni Cardinal Rosales, kung saan nauuna dapat ang kapakanan ng mga maralita, at hindi ang pag-atupag sa pagnakaw sa pera ng bayan.

Kahit sabihin pa na maganda ang layunin ng gobyerno sa pagbibigay ng biyaya sa mga tao sa pamamagitan    ng tinatawag nilang “Katas ng VAT”, sa tingin ko hindi maganda ang dating, dahil ang kinikita ng gobyerno sa VAT ay galing sa pawis at dugo ng mga tao at hindi sa sarili nilang pagsisikap.

Kung talagang sincere ang gobyerno sa pagtulong sa mga taong maralita, bakit hindi na rin nila gastusin ang “Katas ng OFW” para sa kapakanan ng mga tao? Ayon sa research studies, ang halaga ng pera ng bayan na nawawala sa corruption ay halos katumbas sa remittance ng mga OFW, na totoong katas ng kanilang pagsisikap at sakripisyo.

Tama lang na kung sino ang nakakatanggap ng biyaya, sila dapat ang magsukli ng biyaya kung saan man ito galing. Tama rin ang sinabi ni Cardinal Rosales, at sana pakinggan siya ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai, dahil siya ay napakaraming biyaya na natatanggap sa kanyang mga tagasunod. Ang karamihan ng mga followers ni Bro. Mike ay mga maralita na tiyak na tatamaan ng krisis at lalong maghihirap.

Sa nakikita ko kay Bro. Mike, siya lang ang joyful sa El Shaddai, dahil siya lang ang tumatanggap ng mga biyaya mula sa kan­yang mga members.

Sana huwag naman one way ang kanyang estilo.

AYON

BAGONG TAON

BIYAYA

CARDINAL ROSALES

EL SHADDAI

KATAS

MANILA ARCHBISHOP GAU

MIKE VELARDE

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with