Nanganganib na flour industry!
MARAMING negosyante ang nagalit at nagreact nang sunod-sunod na nagtaas ng presyo ang produktong harina.
Tumaas rin ang kilay ng mga consumers dahil apektado ang mga paborito nating pagkain nang tumaas ang presyo ng harina.
Lumiit ang pandesal, nagmahal ang noodles at pasta, maging mga pita o wrapper na ginagamit natin sa lumpia at shawarma.
Ito lamang ang problemang nalalaman at nakikita natin, ang problema sa flour industry na tanging ibinabalita.
Dahil marami sa atin ang hindi nakakaalam na nanganganib na bumagsak ang industriya ng paghaharina sa Pilipi nas, at kapag hindi naagapan ito, posible pang mamatay ang nasabing industriya.
Ayon sa Philippine Association of Flour Millers Inc o PAFMI, perwisyo ang pagpasok ng mga imported flour sa bansa.
Maaari itong maging banta sa kalusugan ng consumers dahil may ilang imported flour na hindi fit for human consumption at maaaring makalason.
Kaya’t mahigpit na nagbabantay ang PAFMI, Bureau of Food and Drugs o BFAD at Bureau of Customs sa pagpasok ng mga harinang ito mula sa iba’t ibang bansa.
Kaugnay nito, maraming imported flours na ipinupuslit papasok ng ating bansa o inismuggle. Ang siste dahil smuggled, malaki ang nawawala sa kita ng gobyerno at nalulugi ang local manufacturers ng harina sa bansa.
Mas hamak na mura kasi ang mga imported flours kaysa sa harinang gawa ng ating bansa, kaya maraming negosyante ang mas bumibili ng imported na harina.
Dagdag pa ng PAFMI, wala namang batas na nagbaban o nagbabawal sa pagpasok ng mga imported flour sa bansa.
Tanging Administrative Order 88-A at Republic Act of 8976 o Food Fortification Law ang batas na sumasaklaw dito kung saan kinakailangang dumaan sa pagsusuri ang produktong pagkain sa bansa, local man o imported.
Dapat ligtas ito kainin bago ito ipasok at ibenta sa Pilipinas.
Subalit alanganin pa rin rito ang PAFMI dahil marami pa ring imported na harina ang ilegal na pumapasok sa bansa at hindi rin dumadaan sa pagsusuri.
Dahil talo rin sa mer kado ang gawa nating harina laban sa mababang presyo ng imported flours, kulang na lang ay sabihin ng PAFMI na ipagbawal na ang pagpasok nito sa bansa.
Ika nga ng PAFMI, ka pag hindi natigil ito, maraming magsasarado na local manufacturers ng harina at ang resulta nito, pagkamatay ng industriya at pagkawala ng maraming trabaho..
- Latest
- Trending