Happy anniversary sa DoLE; Happy b-day Sec. Nitoy Roque!
AKO, si Presidente Erap at ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nagpupugay sa Department of Labor and Employment sa pagdiriwang nito ng ika-75 anibersaryo sa Dis yembre 8, 2008, gayundin kay Labor Secretary Marianito “Nitoy” Roque na kaarawan naman sa naturang petsa.
Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay katuwang ng DoLE sa pagsusulong ng interes ng mga manggagawang Pilipino.
May temang “A Celebration of Commitment to Service,” ang diamond anniversary ng DoLE ay nagpapatingkad sa naging papel ng ahensyang ito sa mga manggagawa at sa kabuuan ng ating lipunan mula nang itinatag ito noong 1933.
Malinaw ang mandate ng DoLE na “promotion of gainful employment opportunities, developing human resources, maintaining industrial peace and promoting the welfare of Filipino workers.”
Alinsunod sa mandate, responsibilidad ng ahensya na asistehan at isulong ang kapakanan ng humigit-kumulang na 37.3 million-strong labor force sa bansa, gayundin ang halos walong milyong overseas Filipino workers (OFWs) na naka-deploy sa mahigit 190 destination-countries.
Isa sa malalaking hamon sa ahensiya ay ang pagpapatupad ng mahusay na “reintegration program” sa mga nagreretirong OFWs at iba pang umuuwi bunsod ng iba’t ibang dahilan laluna sa harap ng malawakang layoff o tanggalan sa trabaho sa ibayong-dagat sanhi ng pandaigdigang krisis sa pananalapi at pagtamlay ng ekonomiya.
Kailangang pangunahan ng ahensiyang ito ang pagtulong sa mga magiging ex-OFW upang makapagpundar sila ng sariling negosyo o kaya ay makahanap ng ibang trabaho.
Marami ang umaasa sa DoLE, partikular sa kasalukuyang pamumuno ni Secretary Roque, para malampasan ng ating mga kababayan ang epekto ng krisis.
Kailangan pa rin siyempreng harapin ng DoLE ang kondisyon sa mga lokal na industriya, laluna yung mga tensiyon sa pagitan ng mga manggagawa at employer, at ang pagtitiyak ng karapatan, kagalingan at kabuuang pag-unlad ng mga obrero.
- Latest
- Trending