^

PSN Opinyon

"Bolitas... Case solved..."

- Tony Calvento -

“Walang KRIMEN na hindi malulutas kung ito’y tututu­kan lamang ng mabuti. Ang kailangan ay ang magandang ugnayan sa pagitan ng taong bayan at ng kapulisan.”

Agosto itinampok namin dito sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON” ang istorya ng isang lalake na binaril ng ‘shotgun’ sa ulo at milagrong nakaligtas. “MGA BULITAS SA ULO” ang titulo ng artikulo..

Ang biktimang si Elpidio “Hapon” Carvajal, 47 taong gulang at nakatira sa Taytay Rizal ay lumapit sa aming tanggapan upang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya.

Si Jeremias Burayag ang kanyang itinuturo at ang mga kasabwat nito ay ang dalawang barangay tanod na sina Clarife “Pinky” Jabagat at asawa nitong si Nilo Jabagat. Balikan natin ang ilang detalye ng kaso.

Mayo 27, 2008 napadaan si Hapon kasama ang asawa niyang si Analisa sa harap ng bahay nila Jeremias. Nakita nila itong may hawak na shotgun habang nakatingin sa kanya ng masama.

Narinig ni Hapon na tila binubulungan ni Pinky si Jeremias at sinusulsulan. Habang nakatingin siya sa dalawa ikinagulat niya ng bigla na lang siyang tutukan ng baril ni Jeremias at pinaputukan siya nito.

Umiwas si Hapon sa bala na dapat tatama sa kanyang dibdib. Tumungo siya ngunit sadyang mabilis at puno ng pwersa ang paglabas ng bala kaya tumama ito sa ulo niya.

Napuno ng dugo ang mukha niya, hinang hina ang katawan ni Hapon habang naghahanap ng sasakyan na maaaring maghahatid sa kanya sa ospital.

“May nakitang tatlong bolitas sa ulo ko at hindi raw ito basta basta matatanggal. Kailangang lumutang muna ang mga ito para hindi maging delikado ang operasyon. Hanggang ngayon nakabaon pa rin sa ulo ko,” sabi ni Hapon.

Tinutukan ng aming programang Hustisya Para sa Lahat sa tulong ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez ang kaso ni Hapon.

Nakipag-ugnayan kami sa tanggapan ni Prov. Prosec. Edgardo Bautista ang Provincial Prosecutor ng Rizal upang mapabilis ang paglabas ng resolusyon ng kasong Frustrated Murder na isinampa ni Hapon laban kela Jeremias, Pinky pati na rin si Nilo.

Makalipas ang ilang buwang paghihintay natanggap niya ang resolusyon nung Nobyembre 07, 2008.

‘It is respectfully recommended that the respondent Jeremias Burayag be indicted for Frustrated Murder for inflicting fatal wounds on Complainant Elpidio Carvajal.

Nobyembre 17, 2008 muling nagpunta sa aming tangga­pan si Hapon upang humingi ng tulong na mahuli si Jeremias. Mayroon na itong Warrant of Arrest na pinirmahan ng presiding judge na si Judge Esteban Dela Pena.

Binigyan namin siya ng referral kay Dir. Reynaldo Esmeralda ang Deputy Director for Operations ng National Bureau of Investigation at kay Atty Edward Villarta, Chief ng National Capital Region ng NBI.

Inassaign naman nila ang kaso ni Hapon kay NBI Agent Joey Narcisco.

Labing anim na NBI agents ang sumama kay Hapon para maaresto itong suspek. Nagkasundo silang magkita sa isang lugar.

“Inantay muna nilang gumabi para masigurong nandun na yung suspek. Gusto rin nila makuha yung shotgun na ginamit. Dinaanan nila ako sa Pasig Palengke bandang alas otso y media ng gabi. Isinakay nila ako sa kanilang van at lumakad na kami,” ayon kay Hapon.

Nakarating na sila sa Brgy. Sta. Ana, Taytay Rizal. Tumakbo pa sila ng talumpung minuto pa bago makarating sa kinaroroonan ng ‘subject’.

Unang bumaba ng sasakyan si Hapon at agad siyang pumasok sa bakuran nila Jeremias. Kasunod niya ang labing anim na NBI agents at naging mabilis ang mga pangyayari.

“Nakita ko si Jeremias sa loob mismo ng kanyang bahay. Napansin ko rin na may pitong barangay tanod na nakaikot sa paligid nito na nagbabantay. Para talagang VIP. Pagturo ko sa kanya agad namang hinuli siya ng mga NBI at pinosasan,” salaysay ni Hapon.

Nagulat si Jeremias nung nakita niya si Hapon. Nagtanong pa umano ito kung sino ang mga kasama niya. Nagpakilala ang mga NBI at nagpakita sila ng Warrant of Arrest.

Kitang kita sa mukha ni Jeremias ang kaba at pagkabalisa sa mga pangyayari. Kinapkapan naman ang mga barangay tanod na nakabantay pero walang nakuhang armas mula sa mga ito.

Si Jeremias naman ang kinapkapan at may nakuha sa kanyang isang Caliber 38 na baril. Hiningan siya ng mga dokumento na nagbigay sa kanya ng pribilehyo na magkaroon nito.

Nang walang mapakitang dokumento si Jeremias kinumpiska nila ito at dinala na ito sa tanggapan ng NBI.

Isang laban sa korte ang haharapin ni Jeremias at pati na rin ni Hapon. Sinampahan din itong suspek ng Illegal Possession of Firearms.

“Maraming salamat sa inyong lahat sa tulong na ibinigay ninyo sa amin. Sa inyong kolum at programa sa radyo. Sa mga NBI at lalung lalo na sa Panginoon dahil ginabayan niya ako kung ano ang dapat gawin,” masayang pahayag sa amin.

HINDI MAN natanggal ang mga “BOLITAS” sa ulo ni Hapon na hanggang ngayon nakabaon pa, nabawasan naman ang sakit ng kanyang ulo dahil sa pagkahuli dito kay Jeremias.

Kami ay nagpapasalamat kay NBI Director Nestor Mantaring, kay Deputy Director Rey Esmeralda at sa Chief ng NCR na si Edward Villarta at sa lahat ng mga tumulong para mahuli ang suspek. (KINALAP NI GAIL DE GUZMAN)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero ay, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maaari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

Email: [email protected]

FRUSTRATED MURDER

HAPON

JEREMIAS

KAY

NBI

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with