^

PSN Opinyon

Salamat sa inyong suporta sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGPAPASALAMAT kami sa lahat ng bumati, sumuporta at tuloy-tuloy na sumusubaybay sa programang BITAG, BITAG Live at maging sa aming mga kolum.

Pinarangalan ang programang BITAG bilang Best Public Service Program at Best Public Service Program Host ng PMPC Star Awards na ginanap lamang nitong Linggo.

Hindi kaila sa sinuman na ang serbisyo publiko ng BITAG at kung paano kami tumugon sa mga nagrerekla­mo at humihingi ng tulong sa amin.

Malaki, maliit, maipalabas man o hindi basta’t inilapit sa BITAG action center wala kaming pinipili. Sa abot ng aming makakaya, tinutugunan ng BITAG ang mga sum­bong at reklamo.

Maaaring may mga reklamong hindi namin puwedeng hawakan katulad ng mga kasong nasa korte na, problema sa lupa, paghingi ng donasyon at problema sa trabaho.

Subalit hindi uuwi ang isang complainant ng hindi malinaw sa kanya ang mga dapat gawin at mga payong makakatulong naman sa kanilang inilapit.

Bilang parte ng pagpapalawak, pagsasaayos at pag­papatibay ng serbisyo publiko ng BITAG narito ang ilang pamantayan at babala na rin para sa mga lumalapit sa amin.

Una, Ipinagbabawal ng BITAG ang pagtawag ng aming mga staff sa nagrereklamo at pag-uusap ng mga ito kung hindi na oras ng trabaho.

Ikalawa, walang sinuman sa mga empleyado o imbes­tigador ng BITAG ang nakikipagkita sa mga complainant sa labas o malayo sa aming opisina. Bawat transaksiyon ay sa BITAG action center lamang.

Ikatlo, hindi maaa­ring tumawag ang mga BITAG staff sa bahay   o personal na numero ng complainant kung hindi tungkol sa traba-ho o sa kasong inilala-pit sa amin. 

At Ikaapat, walang sinuman sa mga emple­yado at imbestigador ng BITAG ang nakiki­pag-kaibigan at nakiki­pagligawan sa mga nagrereklamong luma­lapit sa amin at maging sa mga kamag-anak nito.

Inuulit namin, ang BI­TAG action center ay bukas para sa lahat ng humihingi ng tulong. Bukal sa aming kaloo­ban ang pagsagot sa mga sumbong, tip at pro­blemang inilalapit sa aming tanggapan.

HINDI kami nanghi­hingi ng BAYAD o anu­mang KAPALIT. LIBRE ang aming serbisyo sa mga nangangailangan.

Ang sinumang tau­han ng BITAG na lu­mabag sa alinmang pamantayang nasa ita­as, ipagbigay-alam agad sa akin mismo.

Dito, harap-harapan namin siyang ilalantad sa telebisyon at isusuka namin siya dahil sa ma­ling gawain.

* * *

ANUNSIYO: Nais naming ipabatid na si JED PE BENITO ay hindi na konektado sa BITAG at anumang tran­saksiyon na may ki­nalaman sa kanya si­mul­­a ngayon ay hindi na otorisado ng aming tanggapan. Mangya­ring makipag-ugnayan agad sa BITAG.

AMING

AT IKAAPAT

BAWAT

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM HOST

BITAG

SHY

STAR AWARDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with