^

PSN Opinyon

'Gasgas na alibi'

- Tony Calvento -

ANG BILANGGUAN ay para sa mga taong nagka­sala sa batas. Hindi madaling maiwan sa loob nito kahit isang minuto man lang.

Sa kasong tampok ngayon mas ginusto pa nitong isang lalake ang manatili sa loob dahil pakiramadam niya ligtas siya sa mga panganib na nakaamba sa labas ng mga rehas na bakal.      

October 23, 2008 ng pumunta sa aming tanggapan si Carmen Baluyot 57 taong gulang at Erlinda Moncada upang idulog ang pagkamatay ng kanyang anak na si Rudy Baluyot.

Si Rudy ay 36 taong gulang at isang janitor sa public market sa Laoang, Northern Samar.

February 2, 2008 alas tres ng hapon ng nagwawalis si Rudy sa palengke ng bigla umano itong sinapak ni Oscar at sinabing, “Patay gutom ka. P25,000 ka lang. Ikaw ang tinik sa lalamunan ko.”

Si Oscar ay matagal ng may pwesto sa palengkeng pinagtatrabahuan ni Rudy. Siya ay nagbebenta ng karne ng baboy at baka.

Hindi lumaban si Rudy kaya umalis si Oscar. Bumalik umano ito at sinipa naman niya si Rudy. Hindi na siya nakatiis at nakipagsuntukan na kay Oscar.

“Pinuntahan kami sa bahay ng isa sa mga taga pa­lengke at sinabing may umaaway kay Rudy. Dahil sa ma­la­pit lang mabilis kaming nakapunta dun. Naabutan kong naghaha­bulan sila Rudy at Oscar,” mula kay Erlinda.

Nakita niyang hinahabol ni Rudy si Oscar. Nadapa si Oscar at nakuha ni Rudy ang kutsilyong pangkatay ng baboy sa likod ni Oscar at sinaksak niya ito.

Naagaw pa ni Oscar ang panaksak. Tumakbo si Rudy sa pulis na nagwarning shot at tuluyan siyang hinuli.

Dinala si Oscar sa Laoang General Hospital tapos inilipat si Oscar sa Catarman Hospital dahil mas kumpleto ang gamit subalit namatay ito bago pa makarating sa Catarman.

Nakulong ng dalawang buwan si Rudy sa headquarters ng Laoang.

Ayon kay Carmen na nung March 28, 2008 ang unang hearing nila Rudy. Hindi dumating ang pamilya ni Oscar dahil wala silang witness at ang gusto na lamang ng mga ito umano ay gantihan na lamang.

April 2008 ng inilipat si Rudy sa Sub-Provicial Jail ng Brgy. Guilao, Laoang, Northern Samar.

September 26, 2008 bandang alas siete ng umaga ng tinawagan ng morgue mula Laoang si Minerva Baluyot ang asawa niya at sinabing patay na si Rudy.     Pumunta agad si Minerva sa Laoang.

“Ang sabi ni Minerva ay halos hindi na niya makilala ang kanyang asawa. Ang nang pinahubad niya ang damit nito nagulat siya sa kanyang nakita dahil marami raw itong tama ng bala sa katawan,” kwento ni Carmen.

Nakausap umano ni Minerva ang Officer in Charge na si Ernesto Dulay. Dinala umano siya nito sa sangingan at sinabing huwag nalang silang magreklamo at sila na ang bahala sa lahat ng gastos mula sa burol hanggang sa pagpapalibing ni Rudy.

Binurol ito sa bahay ng kanilang kamag-anak na si Pablo Baluyot. October 4, 2008 ng inilibing ito sa Laoang Ceme­tery. 

Matapos ang libing ay ibat-ibang tao na ang pumunta kay Minerva upang kausapin siya at makipag-areglo. Nahuli kaagad ang bumaril kay Rudy na nakilala na si Jail Guard Manolita Bulan at nakulong ito.

“Hindi na namin makontak si Minerva at mukhang nagtatago na ito dahil sa takot sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya at mga anak niya,” sabi ni Carmen.

Nakausap namin ang imbestigador ng kasong ito na si SPO1 Lito Limcoco at ayon sa kanya ay nang agaw ng service firearm itong si Rudy kay Jail Guard Bulan kaya ito nabaril ng pitong beses.

“Imposible ang sinasabi nila dahil mas gusto ng anak kong mamalagi sa kulungan dahil alam niyang mas ligtas siya dun kaya hindi niya gagawin yun,” pahayag ni Carmen.

SA GANANG AKIN GASGAS na ang alibi na nang-agaw ng baril ang isang preso. Marami na ang napatay ng ganito at kung hindi tayo lalaban upang hanapin ang tunay na nangyari sa kasong ito, lalabas na dagdag ng isa si Rudy sa estatisko ng mga napatay sa ganitong insidente,

Nang-agaw nga ba nang baril ni JO1 Bulan. Hindi ba’t hindi naman nakuha sa iyo ang service firearm mo. Kinailangan bang tadtarin siya ng bala hanggang mabasag ang kanyang mga ngipin at tumalsik ang kanyang mga mata. Malabo yata ang alibi mo! Tututukan namin ang kasong ito. (KINALAP NI JONA FONG)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email address: [email protected]

DAHIL

LAOANG

NIYA

NORTHERN SAMAR

OSCAR

RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with