^

PSN Opinyon

Magiging mabango na ang dating bulok na palengke sa Malabon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MATAPOS ang dalawang dekada, masisilayan na rin ng mga taga-Malabon ang pagbabago ng kanilang dating mabaho at bulok na public market. Ito ang nakarating sa akin matapos magising si Malabon Mayor Tito Oreta sa pagkakatulog at pagkapahiya sa mga kantiyaw ng ilang mayor ng Metro Manila. Halos hindi makapaniwala ang mga mamamayan sa naging aksyon ni Oreta sa kanilang palengke.

Sa unang tingin kasi ng mga malilikot ang isip ay pulitika lamang ang pagpakitang gilas ni Oreta kaya naging tampulan ng usap-usapan ng mga ambisyosong pulitiko. Subalit mukhang tunay na kilos at gawa ang ginagawa ni Oreta para sa kanyang mamamayan na matagal nang nagpupuyos ang damdamin sa mabagal na pag-asenso ng kanilang bayan, he-he-he!

Kung may pa-contest lamang siguro sa pinaka-pangit, bulok at mabahong palengke sa Metro Manila tiyak na makokopo ito ng Malabon. Bukod sa luma na ang pa­lengke ay binabaha pa ang loob tuwing uulan. Palakpa-kan natin si Oreta dahil napagtuunan din niya ng pansin ang matagal ng problema sa kanyang lugar.

Ngunit sa kabila ng pagsisikap na pagbabago ni Oreta, marami pa rin umano sa ating kababayan ang dis­­kuntento sa naturang proyekto at kabilang na rito ang Ma­labon Central Market Development Cooperative (MCMDC). Mukhang immune na yata sa baho at kabulu-kan ng pa­lengke ang mga ito kaya ayaw nilang mabago ang kanilang lungga. Get n’yo mga suki?

Sa kabila umano na natapos na ang kontrata ng MCMDC noong Agosto 2007, nagmamatigas pa rin     umano ang mga ito na ma­ ibalik ang pamamahala sa pa­mahalaan ng Malabon. Paano naman kikita ang pamahalaan ng Malabon kung kakapiranggot la­mang ang buwis na nali­limbag sa inyong grupo. Paano na lang matutus­tusan ang ibang proyekto kung walang pon­do ang inyong bayan?

Mga Tsong at mga Tsang, ayaw ba ninyo ng moder­nong pamumuhay at tinu­tutulan pa ninyo ang kons­traksyon sa naturang pa­lengke. Sa tagal nang pa­nahong lumipas ng inyong hinawakan at pinamaha-laan ang naturang paleng­ke, inaayawan pa ninyo    ang pagbabago.

Dapat pa nga kayong magpasalamat dahil kahit na talsik lamang ito sa proyektong inilimbag sa inyo ni Oreta ay malaking tulong naman ito para mapabuti ang in­yong pag­titinda. Di ba mga suki ko diyan sa Malabon?

Oras na maging ma­ganda at mabango ang inyong palengke tiyak na dadami at madadagdagan pa ang inyong mga mami-mili na magpapalaki ng inyong kita.

Syempre ha­bang lu­malaki ang inyong negos-yo tiyak na malaki ang malilimbag na buwis sa inyo na malaking tulong upang mapalaki ang kolek­syon ng inyong bayan.

CENTRAL MARKET DEVELOPMENT COOPERATIVE

INYONG

MALABON

MALABON MAYOR TITO ORETA

METRO MANILA

MGA TSONG

ORETA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with