^

PSN Opinyon

Cha-cha haharap sa sandamakmak na kilos-protesta

- Al G. Pedroche -

TANONG ng barbero kong si Mang Gustin: “Gusto pa kaya talaga ni Gloria na mamuno sa bansa nang lam-pas sa 2010?”

Mahirap hulaan ang nasa isip ng Pangulo. Pero ang kalagayan niya ngayon ay parang nakasakay sa likod ng isang mabagsik na leon na sa sandaling bumaba siya    ay puwede siyang lapangin. Ganyan ang nangyari kay Marcos kaya naging diktador sa mahabang panahon at dahil na rin sa pagbagsak ng kalusugan niya ay gumuho ang itinayong emperyo.

Maugong na maugong na naman ang isyung ito na pina­tindi ng mga nagputukang issue. Una ay ang kontro­bersyal na dasal ni Press Sec. Jess Dureza na nagpapa­hiwatig sa pagpapatuloy ng termino ng Pangulo nang lam­pas sa 2010. Daming napataas ang kilay. Nagpapa­tawa hindi naman kalbo. Sa paningin ng iba, ito’y “palipad-hangin” ng Malacañang para tingnan ang reaksyon ng taumbayan. True enough, negatibo ang reaksyon ng ma­rami.

Kinabukasan napabalitang 15 boto na lang ang kaila­ngan ng mga Kongresista at aariba na ang cha-cha   (Char­­ter Change) sa Kamara de Representante para    gawing fede­ral system ang kasalukuyang presidential  form of government.

Nagalit (kuno) si Presidente Arroyo sa may kapilyuhang panalangin ni Dureza na malinaw ang insinuation na       po­sibleng manatiling pinuno ng bansa ang Pangulo matapos ang 2010. Totoong bawal sa sino mang Pre­sidente ang kumandidatong muli matapos ang 6-taong termino ayon sa Konstitusyon. Pero paano kung babaguhin ang Kons­titusyon? That is the only possible op-tion kung totoong atat pa si Gloria na manatiling lea­der ng bansa.

Sabi naman ni CO­MELEC Chairman Jose Melo, kulang na sa pa­nahon para baguhin ang Konstitusyon mula nga­yon hanggang 2010. Aba’y mahigit na lang sa isang taon at sa git­na ng mara­ ming pag­tutol ng iba’t ibang sector, malabong mabago ang Saligang­batas sa loob ng pana­hong iyan.

Para ko nang nakiki­nita ang pagsikip ng tra­piko dahil sa mga gaga­wing street protests ng mga mama­mayang gus-to nang mapalitan si Gloria.

Ewan ko kung ano’ng magic ang gagawin pero ano pa man ito, hindi iyan papasa sa taumbayan na pihong mag-aaklas dahil sa­wang-sawa na sa mga nangyayaring kabulas­tugan at katiwalian sa ating gobyerno.

CHAIRMAN JOSE MELO

JESS DUREZA

KONSTITUSYON

MANG GUSTIN

PANGULO

PERO

PRESIDENTE ARROYO

PRESS SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with