Ilegal na ukay-ukay
ILANG linggo na lang sasapit na ang okasyong hinihintay ng lahat — ang Pasko.
Dahil dito sunod-sunod ang pagpasok ng iba’t ibang produkto sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa.
Kaya naman naging alerto at mahigpit ngayon ang pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Anti-Smuggling Group (PASG) at mga otoridad sa pagpasok ng mga puslit na produkto.
Isa sa mga sinusubaybayan ng BITAG ay ang talamak at iligal na ukay-ukay sa Metro Manila.
Talamak ang pagkalat ng mga ukay-ukay outlets sa bansa. Lantaran ang bentahan at bilihan ng iba’t ibang produkto nito sa presyong mas mababa kumpara sa pangkaraniwang presyo ng bilihin.
Kaya naman ang mga wais na mamimili, tinatang- kilik ang industriya ng ukay-ukay.
Ang hindi nila alam, ang mga murang produkto na kanilang tinatangkilik, ang ilan dito ay iligal at nasa lista-han na ng otoridad.
Isang tip mula sa dating empleyado ng iligal na ukay-ukay ang lumapit sa BITAG upang isiwalat ang kaliwa’t kanang ilegal na transaksiyon ng kompanyang dati niyang pinapasukan.
Dito, agad na nagpakalat ang BITAG ng surveil- lance team upang silipin at kumpirmahin ang sumbong.
Matagumpay na napasok ng mga BITAG undercover kasama ang mga ahente ng PASG-NBI ang isang lugar na pinagbabagsakan ng ilegal na ukay-ukay.
Dokumentado ng BITAG concealed camera ang mga puslit at iligal na ukay-ukay item mula Korea, Japan at USA.
Sa ilang linggong pagtutok ng BITAG sa bagsakan ng mga puslit na mga ukay-ukay item, isang operasyon ang pinlano at ikinasa ng operatiba ng PASG at BITAG.
Kahapon, matagum-pay na naisagawa ang buy-bust operation sa bagsakan ng ilegal na ukay-ukay.
Panoorin sa BITAG ang kabuuan ng operasyong ito sa Sabado, alas-nuwebe ng gabi sa IBC 13.
- Latest
- Trending