^

PSN Opinyon

'Kapag pulis ang napatay...'

- Tony Calvento -

(Unang bahagi)

“TUMAWAG KA NG PULIS…” Mga salitang madalas nating madinig kapag may krimeng nagaganap. Ang mga pulis ang inaasahang magtanggol at ipaglalaban ang mga mamamayan. Sila din ang dapat magpatupad ng ating mga batas.

Paano kung ang mga pulis naman ay ang biktima ng krimen? Kanino sila dapat dumulog? Sino naman ang tutulong sa kanila?

September 22, 2008 ng pumunta sa aming tanggapan si Marissa M. Perez. 33 taong gulang at taga Caloocan City.

Idinulog niya ang pagpatay sa kanyang nakatatandang kapatid na si Wilson M. Perez 34 taong gulang at Police Chief Inspector ng Labo, Camarines Norte.

Anim na taong kasal kay Maricel Perez at meron silang dala­wang anak. Si Wilson ay nagtapos sa Philippine National Police Academy nung 1997. Sampung taon ng pulis at nung January 2008 ay naging Chief of Police ng Labo, Camarines Norte.

August 2, 2008 alas dos ng madaling-araw isang dating katrabaho ni P/Chief Insp. Perez ang tumawag at nagsabi kanila Marissa ng masamang balita.

Kinaumagahan nakumpirma nila Marissa ang balitang napatay si Perez nga mabasa nila sa pahayagan ang insidente.

Nalaman nila ang detalye ng mga pangyayari mula sa salaysay ni PO1 Reynaldo Bayal kasamahan ni PCI Wilson sa Labo Police Station.

Bago mangyari ang insidente mga bandang alas tres kinse ng hapon, pumunta ang punong barangay ng Brgy. Mansalong na si Dante Alaon at iba pang kasama sa kanilang tanggapan. Humingi sila ng police assistance tungkol sa pagkawala umano ng apat na panabong na manok. Kasama nila ang may-ari ng mga manok na si Nestor Guzman.

Pumunta sila sa nasabing barangay upang imbitahan sa Police Station ang mga itinuturong kumuha ng mga manok na sina Marvin Romero at Andy Laurenciano. 

Matapos maimbestigahan ay nagpasya si P/Chief Insp. Perez na bawiin umano ang mga ninakaw na manok sa Brgy. Pamorangon bandang alas singko y media ng hapon.

Nagdala ng sariling sasakyan si P/Chief Insp. Perez at matapos nilang makuha ang dalawang panabong na manok ay napag-alaman nila na ang ibang manok ay nasa Dupax Brgy. 5, Daet Camarines Norte.

Tumulak sila papunta sa area ngunit bago sila makarating huminto sila at kinausap ni P/Chief Insp. Perez si PO1 Bayal at sinabing mauna na sila at may dadaanan lang siya sa King Fisher Restaurant. Inimbita siya umano ng isang nagngangalang Pedro Vela Cruz.

Alas syete y medya ng gabi ng huling magtext si P/Chief Insp. Perez at tinatanung kung nasa station na ba sila PO1 Bayal.

Alas nuwebe ng gabi kauuwi pa lamang ni PO1 sa kanyang bahay ay nakatanggap siya ng tawag mula kay PO3 Nestor Pajares Jr. duty desk officer ng mga oras na yun at sinabing

“Padi, verify mo daw sa King Fisher at nagkaputukan raw dun at nandun ata si Sir. Dali-dali akong pumunta dun sapagkat alam kong ngang may ka-meeting si Chief Perez sa King Fisher. Hindi ko akalaing maaabutan ko siya na nakabulagta at tadtad ng tama ng bala,” ayon sa sinumpaang salaysay ni PO1 Bayal.

Marami ang nakakita sa mga pangyayari at nakasaksi sa pagbaril kay Chief Perez. Isa na rito si Arnulfo Quiros.

Ayon sa salaysay ni Arnulfo na nung July 31, 2008 bandang alas otso kinse ng gabi ay katatapos niya lang umihi sa gilid ng kanyang tindahan. May nakita siyang isang lalakeng nakasakay sa tricycle sa tapat ng King Fisher Restaurant. Bumaba ito at naglakad ng pasuray-suray papunta sa unahan ng King Fisher at napansin ni Arnulfo na may hawak itong baril kaya pinagmasdan niya ito hanggang sa matakpan ito ng nakaparadang van.

“Mga ilang segundo lang ay may narinig akong putok at matapos iyon ay may nakita akong dalawang lalaking natumba sa harapan ng van na agad naman bumangon ‘yung isa at ng makatayo ay tinutok ang hawak na baril dun sa lalakeng natumba na hindi na nakatayo at sunud-sunod na ipinutok ang hawak na baril dun sa lalakeng nakabulagta,” ayon sa salaysay ni Arnulfo.

Dinagdag ni Arnulfo na nang naubos ang bala ng baril sa “magazine,” sinipa niya ang lalaking nakabulagta at narinig ni Arnulfo na nagsalita ito ng “Ano,   

KAYA MO PA AKO? WALA KA NAMAN PALA!”

Tapos may lumapit sa kanyang lalaki na pilit siyang hinihila papalayo ay isinakay sa tricycle.

Bago sila maka-alis sa lugar ay may dumating na mga pulis at pinosasan ang lalaking pilit na humihila sa nakabaril at isinakay sa mobile ng mga pulis na nakilalang si Pedro Vela Cruz.

Isinakay naman sa tricycle ang lalaking nakabaril at dadalhin daw sa ospital na nakilalang P/Insp. Ralph Jason Oida.

Ayon kay Arnulfo na bukod sa lalakeng nakabulagta sa kalsada ay napansin din niya na maraming basyo ng bala na nagkalat at dalawang baril. Ang isa ay kulay puti na nasa tabi ng lalaking nakabulagta at ang isa naman na kulay itim ay nasa malapit sa may gate ng King Fisher.

Dagdag pa niya na limang metro lang ang layo niya mula sa pinangyarian ng insidente at maliwanag pa dahil nakabukas ang ilaw “Halogen” dun sa poste.

Ayon kay Marissa mula sa kwento ng mga tao sa kanya na pagdating ng kanyang kapatid sa King Fisher ay naabutan na nitong nag-iinuman sila Oida at Vela Cruz.

Nakipag-inuman din ito at nung nagtagal ay nagkaroon ng pagtatalo na mapahanggang ngayon ay hindi parin tiyak ang puno’t dulo ng ’di pagkakaunawaan.

Sinabi ni umano ni P/Chief Insp. Perez na bukas nalang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap dahil mga naka-inom na sila. Hinatid at pinasakay niya si Oida sa tricycle at pagtalikod niya ay dun na nangyari ang pamamaril.

Pumunta sa aming tanggapan si Marissa ng walang tiyak na kaalam tungkol sa tunay na pangyayari sa kanyang kapatid kaya nakipag-ugnayan kami kay P/Supt. Ricardo Villanueva na imbestigador ng kaso. Agad tinugunan ni PSupt. Villanueva ang hiling ng pamilya na maipadala ang kumpletong documents tungkol sa pagpatay kay PCInsp. Perez.

ABANGAN SA BIYERNES ang mga susunod na “development” sa kasong ito at kung ano na ang nangyari sa pagkamatay ni Chief Perez, EKSKLUSIBO dito lamang sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON.” (KINALAP NI JONA FONG)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

ARNULFO

CHIEF

CHIEF INSP

CHIEF PEREZ

KING FISHER

MARISSA

NIYA

PEREZ

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with