^

PSN Opinyon

Dela Paz at Bolante cases magkaiba

- Al G. Pedroche -

ENRILE pasok, Villar talsik sa liderato ng Senado. Tanong: Ano na ang mangyayari sa dalawang kaso ng katiwalian na binubusisi ng Senado. Abangan ang susunod na kabanata.

Ang dalawang nagdudumilat na kaso ng katiwalian sa gobyerno na “talk of the town” ngayon ay ang Php 728 milyon fertilizer scam na kinasasangkutan ni dating Agri Usec Jocjoc Bolante at ang kontrobersyang kinasangkutan ni ex-PNP comptroller Eliseo dela Paz at iba pang police generals na nahulihan ng halos Php7 milyon o 105,000 Euros sa Moscow. Kahit istam­ bay sa kanto ay alam na alam na ang mga isyung ito.

Sabagay, ang mali ay mali gaano man kalaki o kaliit ang hala­gang nakapaloob. Pero just for the sake of comparison, tila nawalan na ng saysay ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado under the past Villar leadership tungkol sa tinagu­riang “Euro generals” issue kung ikukum­para sa imbestigasyon ng P728 milyon fertilizer fund scam ni Joc-Joc Bolante.

Sabi ng ilang observers, kung walang damage sa gobyerno, porke nagsauli naman ng pera ang mga sangkot na generals nang atasan ni PNP Chief Jesus Versosa, kung may sagutin man ang mga sabit sa anomalya ay parang na-cushion kundi man tuluyang naibasura. Iniutos ni Philippine National Police na si Director General Jesus Verzosa sa mga tinaguriang Euro generals na pinangungunahan ni Dela Paz ang pagbabalik ng kabuuang halagang P2.19 milyon na ibinigay sa kanila bilang opisyal na pondo para sa kanilang pagdalo sa ika-77 Interpol General Assembly na ginanap sa St. Petersburg, Russia.

Sa kaso naman ng 105,000 Euros na nakumpiska kay dela Paz sa Moscow airport noong Oktubre 11, sinabi ni dela Paz sa mga senador sa ginawang joint hearing ng foreign relations committee at blue ribbon committee noong Sabado na ibabalik rin ng Russian authorities ang nasabing halaga sa Pilipinas. Dapat nang ipasa ang isyung ito sa angkop na investigating body, gaya ng Ombudsman na nakatakda nang magsiyasat sa usaping ito. Nais ng mga Senador na ituloy ang paghalukay sa kaso. Sinakyan ng maraming Senador ang teorya ni Sen. Miriam Defensor Santiago na meron pang isang “bigger conspiracy” at si Dela Paz ay isang fall guy lamang para pagtakpan ang mga taong mas mataas pa sa kanya na diumano’y sangkot sa naturang kaso.

At para lalo pang lumo­bo ang isyu, pinagkum- para pa nina Santiago at Sen. Aquilino Pimentel Jr. ang Moscow incident at ang P728 milyon fertilizer scam na kinasangkutan ni dating Agriculture Underse­cretary Jocelyn Bolante. 

Magkaibang-magkaiba ang dalawang kasong ito bagamat parehong tiwali at mali. Bukod sa napakaliit ng P6.93 milyon kumpara sa P728 milyon, ang P6.93 milyon o 105,000 euros na nakumpiska sa Moscow airport ay ibabalik rin naman ng mga Russian authori-   tes samantalang ang P728 milyon ay naglaho nang parang bula sa mga overpriced na liquid fertilizer na diumano’y ibinigay sa mga ghost farmer-beneficiaries apat na taon na ang nakalilipas.

AGRI USEC JOCJOC BOLANTE

AGRICULTURE UNDERSE

AQUILINO PIMENTEL JR.

CHIEF JESUS VERSOSA

DELA PAZ

MILYON

PAZ

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with