Mag-ingat sa mga bibilhin at kakaining pagkain!
NITONG Lunes ay napabalita sa mga pahayagan na isang produktong pagkaing gawa sa Pinas ay nagpositibo sa mapanganib na kemikal na melamine.
Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkaing gawa sa ating bansa ang nadiskubre sa isang pagsusuri sa bansang Hongkong na positibo sa nasabing kemikal.
Ipinagbawal na ng Department of Health (DOH) ang pagbebenta at pag-aangkat ng Sunflower Crackers Blueberry Cream Sandwich. Ipina-pull out na rin ng Sekretaryo ng DOH ang produktong ito sa lahat ng pamilihan.
Ayon sa manufacturer ng nasabing produkto, ang Cro-ley Foods Manufacturing Corporation na matatagpuan sa Novaliches, Quezon City, maging sila ay nagulat sa resulta ng pagsusuri ng Hongkong. Dagdag pa ni Jeremiah Lim, tagapagsalita ng kumpanya, mayroon daw silang certification mula sa nagsusuplay sa kanila ng gatas na ligtas ito sa melamine.
Naglalaro tuloy sa isipan ng BITAG, hindi kaya ginagantihan lamang tayo ng bansang tunay na pinagmulan ng kemikal na melamine?
Hindi ba’t sandamakmak na produktong pagkain nila ang nasuri na rin dito sa ating bansa at halos lahat ito ay nag- positibo sa melamine? Ito’y hindi panghuhusga kundi, kata nungan lamang na hindi maiiwasang itanong bilang isang mamamayan.
Ganunpaman, maluwag namang tinanggap ng nabang-git na kumpanya ang desisyon ng DOH sa pag-ban ng kanilang produktong Sunflower Crackers Blueberry Cream Sandwich.
Ang paggalang at pagtanggap sa desisyong ito ay hindi dapat ikahiya dahil hindi ito kasiraan kundi pagtulong mismo ng kumpanya na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan.
Para sa mga tagasubaybay ng kolum na ito, nais ng BITAG na magbigay rin ng babala sa pagbili at pagkain ng mga produktong pagkain.
Laging isipin ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay sa mga bibilhing pagkain. Hindi porket masarap sa paningin o mura sa presyo ay ito agad ang pipiliin.
Lalo na ngayong pa lapit na ng palapit na ang araw ng Pasko, marami na namang produktong pagkain ang maglalabasan sa mga pamilihan.
Laging maging mapanuri at bukas ang isipan sa mga nangyayari sa paligid. Makakakuha ng mga tips sa mga bibil-hing pagkain sa pagtutok sa telebisyon, pakikinig sa radio o pagbabasa ng diyaryo. Mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat!
- Latest
- Trending