^

PSN Opinyon

MOA-AD, labag sa Konstitusyon! (Part 1)

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HATOL ng Supreme Court (SC): Labag sa Konsti­tusyon ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng gobyerno at MILF. Ang tanong ngayon: Sino ang dapat managot dito? Kailangang may managot dahil, ayon sa SC, walang karapatan ang sinuman na hatiin ang teri­toryo ng Pilipinas lalo na’t walang konsultas­yon sa taumbayan. Ipinahayag pa ng SC na ma­tinding pag-aabuso ng pagpapasya ang ginawa ni Hermo­genes Esperon, ulo ng Peace Process, sa inihain na MOA-AD sa MILF na wala man lang kon­sultasyon sa mga maaapektuhan. Walang karapatan ang grupong naghain ng MOA-AD sa MILF na gawin ang nasabing kontrata — at kamuntik pa itong na­pirma­han sa Malay­sia! Malinaw ang mensahe at SC: Walang may kara­patang hatiin ang Pilipinas, para sa anumang dahi­lan kung di dadaan sa Congress at Senado. Nangi­ngibabaw pa rin ang Konsti­tusyon, kahit sa panahon ng digmaan.

Hindi ba ito alintana ng Malacañang? Hindi ba sila kumunsulta man lang sa isang Constitutionalist bago gumawa ng napakahalagang hakbang tulad ng MOA-AD? Sino ang mananagot dito, lalo na’t ang pagbawi ng MOA-AD ang naging mitsa ng nangyayaring gulo sa Mindanao, na nagdulot ng kapinsalaan, pangamba at kalungkutan sa napakaraming tao roon? Ayon kay Sen. Mar Roxas, na nagsulong sa SC ng pagpa­walang bisa ng kontrobersiyal na kasunduan ay kailangang sibakin ang lahat ng kasapi sa MOA-AD at hindi na dapat isali sa anumang usapin pa sa MILF. Pero hindi naman ako naniniwala na kumilos mag-isa ang grupo ni Esperon na walang basbas ng presidente. Naging usapin noon na kasama ito sa mala­wakang plano ng administrasyong Arroyo para mapa­natili siya sa puwesto sa pamamagitan ng Cha-cha. Mabuti na lang at hindi ito natuloy. Ano na kaya ang naging kalagayan ng bansa kung sakaling natuloy ang palpak na kasunduang ito!

Pero sa kabila ng desisyon ng Mataas na Huku­man, nagpahayag na ang MILF na hindi nila kinikilala ang desisiyon ng SC. Hindi raw sila sakop ng mga batas dahil sangkot nga sila sa isang arma­dong rebel­yon laban sa gobyerno. At halos sabihin na nila na magpapatuloy ang gulo sa Mindanao. Madaling pani­walaan na sina Kumander Kato at Bravo ay kumi­kilos ayon sa utos ng mga opisyales ng MILF. Kaya ma­aasahan na hindi titigil ang karahasan sa Mindanao at gagrabe pa.

vuukle comment

ANCESTRAL DOMAIN

ESPERON

KONSTI

KUMANDER KATO

MAR ROXAS

MEMORANDUM OF AGREEMENT

MINDANAO

PEACE PROCESS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with