^

PSN Opinyon

Productivity bonus ng mga manggagawa

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nananawagan sa mga kapwa niya mambabatas na agad aprubahan ang panukalang mandatory productivity bonus para sa mga manggagawa sa private sektor.

Ang Senate Bill 1370 na iniakda ni Sen. Benigno Aquino III ay inisponsoran ni Jinggoy bilang chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development sa ilalim ng Committee Report 105 noong Setyembre 30, 2008.

Si Jinggoy, pinuno rin ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay nanini­walang malaki ang maitutulong ng hakbanging ito para mapataas ang productivity sa mga industriya sa bansa.

Madalas kasing nagkakaroon ng tunggalian ang mga manggagawa at employer o negosyante sa usapin ng suweldo at benepisyo. Ang ganitong sitwasyon ang isa sa mga pangu­nahing dahilan ng pagbaba ng produc­tivity sa pagawaan.

Nakasaad sa Saligang Batas ang pagkilala sa kara­patan ng mga empleyado para sa kanilang pag-unlad, gayundin ang karapatan naman ng mga negos­yante para sa makatwirang kita ng kanilang puhunan. Napakaganda kung maayos ang relasyon ng empleyado at employer.

Sa ilalim ng panukala, ang mga negosyante ay maglalaan ng 10 porsiyento ng kanilang net profit before taxes upang ipa­­ma­hagi sa mga empleyado bilang taunang productivity incen­tives anuman ang status of employment ng mga ito, basta’t nag­traba­ho na sila ng hindi bababa sa isang buwan sa natu­rang kompanya.

May ilang grupo ng mga mang­gagawa na hin­di kasali sa hakbangin tulad ng mga kawani ng go­vernment-owned and controlled corporations (GOCCs) na may original charter; ang mga managerial employee; kasam­ba­hay; non-resident aliens; empleyado ng retail service establishments na hindi hihigit sa lima ang kawani; at em­pleyado sa mga kom­panyang nasa ilalim ng receivership o liquidation o kaya ay mga bagong bukas na business enterprise.

Ayon kay Jinggoy, ang hakbanging ito ay pag­kilala sa kontribusyon ng mga emple­yado sa pag­lago ng mga industriya, at pagsu­sulong din ng industrial har­mony tungo sa lalo pang productivity ng kap­wa manggagawa at ne­gos­yante sa bansa.

ANG SENATE BILL

BENIGNO AQUINO

COMMITTEE REPORT

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

LABOR AND EMPLOYMENT

SALIGANG BATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with