^

PSN Opinyon

Bagong kaso vs Mr. and Mrs. Villar

- Al G. Pedroche -

DAHIL nga ba sa nalalapit na presidential polls kung bakit naglulutangan ang mga pangit na isyu laban kay Senate President Manny Villar? Mainit pa rin ang usapin sa “double insertion” sa 2008 General Appropriations Act (GAA) na dito’y inaakusahan si Villar ng pagsisingit ng karagdagang P200 milyon para sa kontrobersyal na Carlos P. Garcia Boulevard na kanyang pet project.

Matindi ang argumento ng magkabilang kampo sa Senado. Sabi ng mga kakampi ni Villar, walang malisya sa insertion at ito’y natural lamang lalu pa’t para sa isang inaalagaang proyekto ng isang mambabatas. Giit naman ng grupong kontra kay Villar sa pangunguna ni Sen. Lacson “malisyoso” ang ginawang insertion. Mayroon daw       “conflict of interest” si Villar na isang kilalang land developer at ang kanyang mga subdibisyon ay tiyak na maki­kinabang sa proyekto.

Hindi pa man humuhupa ang isyu, may bagong usapin na naman na lumutang.Hindi lamang si Senate President ang nadadawit kundi pati ang kanyang misis na si Rep. Cynthia Villar. Isang grupo ng magsasaka sa Bulacan ang nagsampa ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman laban sa mag-asawang Villar. May utang daw na P1.5-B ang kompanya ng mag-asawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang ginawang prenda ay mga lupain ng mga nagrereklamong magsasaka.

Labis na ikinagulat ng mga magsasaka na bigla na lamang natituluhan ang kanilang lupain sa pangalan ng Palmera Homes na pag-aari ng mga Villar. Nito lamang Sept. 26 isinampa ang kaso sa Ombudsman. Si Rep. Villar ang presidente ng Capitol Development Bank na siyang lumagda sa bilyones na utang sa BSP at si Sen. Villar ay shareholder ng naturang bangko.

Idinagdag pa ng mga complainants na binaba­ lewala ng Commonwealth Act 141 ang pagpapa­la­bas ng sales patents sa pa­ nahon ng Japanese oc­cu­pation. Kaya ang kuwes­ tyon ngayon, ginamit ba ni dating Speaker Manny Villar ang kanyang implu­wensiya at kapangya­ri­han para kumbinsihin ang BSP na lupa na lang ang kanilang ibabayad sa utang na P1.5 bilyon?

At hindi lang sa BSP nakautang sina Villar ng bilyong piso kundi maging sa Social Security System (SSS) kung saan P1 bil­yon ang kanilang utang at sa Government Service In­surance System (GSIS) kung saan umaabot sa P2 bilyon ang kanilang nautang.

Balita nga natin ay ta­ lamak din ang ganyang katiwalian sa ibang lugar na may subdivision ang mga Villar gaya ng Laguna, Cavite at Rizal province.

Masamang kumbinas­ yon ang land grabbing at pangungutang nang wa­lang bayaran dahil ang suma nito ay pandaram­bong hindi lamang sa ka­ban ng bayan kundi sa mga mahihirap nating kababayan gaya ng mga magsasakang nagsampa ng reklamo.

Ngunit bayaan natin na ang hustisya ang gu­malaw at huwag agad tayong huhusga. Pero bilang isang “presiden­tiable” Villar owes it to the people na gumawa ng karampatang paglilinaw sa mga pangit na usaping ibinabato sa kanya.

BANGKO SENTRAL

CAPITOL DEVELOPMENT BANK

CARLOS P

COMMONWEALTH ACT

CYNTHIA VILLAR

GARCIA BOULEVARD

SHY

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with