^

PSN Opinyon

Kawawang Senator Villar

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAKAKATIYAK ang mga kuwago ng ORA MISMO, na umpisa pa lang ng demolition job versus kay Senator Villar dahil sa pagdedeklara nito ng maaga para bumotak as Prez ng Philippines my Philippines sa 2010 national election.

Sabi nga, marami pa ang susunod!

Wala naman kasing magagawa si Manny kundi ang maghayag ng kanyang loob kung ano talaga ang gagawin niya sa kanyang political life o ambition.

Kaya ang ating bida ay nagpasabi sa madlang people na siya ay tatakbo sa elliptical circle este sa pambasang eleksyon sa 2010.

Para sa mga kuwago ng ORA MISMO, si Villar at maging si MMDA Chairman Bayani Fernando ang may bayag dahil sila lang ang naghayag na tatakbo sila sa presidential election.

Hindi inalintana ng mga kritiko ni Manny ang mga nagawa nito sa Senado at tulong sa mga madlang people na ma-e-erap at siempre sa mga OFW’s na biktima ng pagmamaltrato sa aboard este mali abroad pala.

Binira si Villar, dahil sa isyung dinoble ang pondo para sa C-5 project at pinaratangan ng mga critics na ibinulsa daw niya ang pitsa kung dehins nabuko?

Tooo kaya ito?

Alam naman ng madlang people from the Philippines my Philippines kung gaano kayaman ang ating bida. Siya at Si Rep. Cynthia ang pinakamayaman pulitiko sa Senado at Kamara.

Hindi ba?

Talagang bubutasan ng kanyang mga kalaban si Villar dahil alam nilang mahihirapan sila dito sa 2010 presidential election.

Tama ba, kamote?

Abangan.

Buti nag-roll back!

KUNG hindi nag-roll back ng gasoline ang tatlong giant itlog este mali companies pala ay nakakatiyak ako na babagsak ang benta nito porke ang mga kalaban nilang small players ay nauna ng nagbaba at tinatangkilik na ng motoring public.

Bakit ang big three ay P2.00 lang ang ibinaba samantala ang mga small player ay P3.00?

Why?

Mukha yatang sinasabotahe ang madlang people sa Philippines my Philippines ng mga dambuhalang kompanya.

Mula ng ipaalam ng transport group na magkakaroon ng tigil pasada nationwide ay mabilis na umaksyon ang mga kompanya ng langis sa takot siempre na baka sila malugi at magalit ang govenment of the Republic of the Philippines sa kanila at kulitin ang mga ito na buksan ang libro ng bawat kompanya ng gasolinahan.

Naku lagot sila!

Pero ang transport group ay hindi kuntento sa ginawang pagbaba ng gasoline at iba pa nilang products dahil ang gusto ng ating mga drayber ay P7.00 ang gawin pagbaba.

Sabi nga, deal or no deal!

‘Bakit ganito ang big three?’ tanong ng kuwagong drayber ng kariton.

‘Monopolyo ang presyo nila’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Ano ang mabuti?’

‘Kamote, ang gobierno ang dapat sisihin diyan?’

Wait ang See!

ABANGAN

BAKIT

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SABI

SENADO

SENATOR VILLAR

SI REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with