^

PSN Opinyon

Pro-poor si Castelo sa Kyusi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

ISANG mass feeding at pamamahagi ng NFA rice ang tampok sa paggunita ng ika-13 anibersaryo ng kabayanihan ni Quezon City councilor Winston ‘Winnie’ Castelo sa pagtatanggol ng mga mahihirap.

Nabaril at malubhang nasugatan si Winnie habang pinipigilan nito ang isang demolisyon sa barangay Pasong Tamo nuong Agosto 2, 1995.Taglay pa ni Castelo hanggang ngayon ang pinsala sa katawan dulot ng nasabing  insidente.

Pinangunahan ng organizing committee ng Kilusang Agosto Dos (KAD), isang  umbrella organization ng ilang daang grupo na sumusuporta sa housing at livelihood advocacy at pro-poor programs ni Winnie, ang naturang komemorasyon na isinagawa sa Freedom St. sa Pasong Tamo.

Sa kanyang pambungad na mensahe, pinapurihah ni baranggay chairman Marivic Co-Pillar si Castelo dahil sa kanyang walang patid na serbisyo sa mga mahihirap na residente ng Quezon City partikular sa ikalawang distrito nito.

Bilang No. 1 councilor sa mga nakaraang halalan sa syu­dad, kinilala ng mga mamamayan ang CMP program ni Winnie,  na nagbigay ng sariling bahay at lupa sa libu-libong dukhang pamilya sa district 2. Binigya pugay din ang konsehal dahil sa kanyang mga programang patubig at livelihood programs.

Samantala, natuwa naman si Congresswoman Nanette Castelo Daza sa mga nagawa ng kanyang kapatid upang mapabuti ang buhay ng mga mahihirap.

Aniya, nakakatulong sa pag-unlad ng bayan ang pagkalinga at pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga mahihirap na siyang pangunahing programa ni Winnie.

AFIMA binatikos si Joey de Leon

HINDI naging healthy ang ginawang pagbibiro ni Joey de Leon kamakailan para sa Alyansa ng Filipinong Mamamahayag ang joke nito ay isang pang-iinsulto sa mga reporters.

Sabi nga, pambababoy!

Nagbiro daw kasi si Joey regarding sa mga pinapatay na mamamahayag na hindi nagustuhan ng mga reporter na nakarinig sa kanyang joke.

Ayon kay Jerry Sia Yap, Director ng National Press Club at panggulo este mali Pangulo pala ng AFIMA na hindi maganda para sa mga reporter ang ginawang biro ni Joey.

Sabi kasi ni Joey, ang lola daw niya ay pumapatay ng press people kaya naman ang mga nakarinig todits na mamamayahag ay sumama ang loob.

Alam natin biro ang sinabi ni Joey pero mali ang kanyang joke lalo’t pinapatay at binabaril ngayon ang mga mamamayahag para supilin sila sa pagbibigay ng totoong balita sa madlang people.

Ang gusto ng grupo ni Yap ay gumawa ng public apology si Joey na sa tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay gagawin ng una para matapos na ang tampuhan.

Kilalang-kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Joey dahil may ilang dekada na rin ang nakakaraan ng halos araw-araw nilang makalaro ng madjong ang bida sa may Lubiran St., Bacood, Sta. Mesa Manila.

Si Daria Ramirez, noon ay nakatira sa kanto ng Dalisay at Lubiran St., sa tapat ng simbahan ng Our Lady of Fatima kaya kapag alaws importanteng ginagawa si Joey ay naglalaro ito ng madjong.

Totoong mapagbiro si Joey kahit noon pero ang mga biro nito ay hindi nakakasakit ng damdamin tulad ngayon mga reporter ang nagtatampo.

‘Sana magkaayos ang AFIMA at NPC sa joke ni Joey?’ anang kuwagong manglalait.

‘Tiyak iyon’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Eh ano ang magandang gawin?’

‘Siguro magkausap na lamang ang AFIMA at Joey sa mga susunod na days.’

‘Iyan kamote ang abangan natin.’

CASTELO

JOEY

LUBIRAN ST.

PASONG TAMO

QUEZON CITY

WINNIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with