Cancer sa cervix
ANG cancer sa cervix ay makikita sa leeg ng uterus at nag-eextend sa vagina. Ang cancer na ito ay 100 percent na magagamot kung mada-diagnosed nang maaaga o nasa very early stages pa.
Ang mga sintomas ng cancer sa cervix ay ang mga sumu sunod: Vaginal spotting o pagdurugo sa pagitan ng menstrual period; pagdurugo pagkatapos ng pakikipagtalik; masakit na pakikipagtalik; abnormal ang daloy ng regla. Sa very early stages ay walang makikitang sintomas.
Sa mga pag-aaral at imbestigasyon, nakita ang kaugna-yan ng herpes simplex 2 o genital herpes sa cancer sa cervix. Kadalasang nagkakaroon ng cancer na ito ay ang mga kababaihang nasa low socioeconomic status at ang posibilidad na maaga silang naging sexually active sa buhay. Nagkakaroon din ng cancer of the cervix ang mga babaing iba’t iba ang sexual partners, maraming beses nang nanganak at ang mga babaing ang asawa ay hindi tuli.
Kung maagang mada-diagnosed ang cancer of the cervix, 100 percent na magagamot ito. Kapag ang cancer ay naka-confined na sa cervix, 70 percent hanggang 90 percent na makaka-survive ang pasyente limang taon pagkaraan ng treatment. Kapag ang sorrounding tissues ay na-invade na ng cancer, 40 hanggang 60 percent na makaka-survive limang taon pag karaan ng treatment. Kapag ang cancer ay na-invade na ang bladder at rectum, 20 percent na makasusurvive. Kung ito ay kumalat na sa lymph nodes, ang survival ay magde-decrease.
Nakahahawa ba ang cancer sa cervix? Hindi.
Dalawang modes ang therapy para sa treatment ng cancer: Una, surgical removal of cervix, uterus, fallopian tubes at ang mga nakapaligid na lymph nodes. Ang ovaries ay maaaring alisin at maaring hindi depende sa edad ng babae at sa extent ng cancer.
Ikalawa, radiation theraphy. Maaring sa pamamagitan ng special x-ray machine or radioactivie implants.
Ang dalawang mode ng treatment ay rekomendado.
Ang taunang Pap smear ang pinakamabuting dapat gawin para madetect ang cancer sa cervix. Kapag maagang na-detect, 100 percent ang paggaling sa sakit.
- Latest
- Trending