^

PSN Opinyon

Dahil sa palpak na sistema, si Juan dela Cruz ang magdurusa!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KAPAPALABAS lamang ng BITAG nitong nakaraang Sabado ang sitwasyon sa mga mahahabang pilahan sa mga pangu­nahing palengke sa Metro Manila ng tig-P25 na bigas ng NFA.

Katulad ng inaasahan, reklamo at alburuto ng ating mga kababayan ang naidokumento ng BITAG.

Kung paano sila maghapong nagbibilad sa araw, nagtitiya­ga’t ginugutom sa kapipila at buong araw ng nakapila subalit hindi pa umabot sa cut off ng bentahan ng P25 kada kilong NFA rice.

Hindi pa man natatapos na ipalabas ang segment na pinamagatan naming “Buwisit na P25 Pesos na Pilahan (NFA Rice Story)”, sunod-sunod ang pagdadatingan ng mga text messages sa aming text hotline.

Isa sa mga nakatawag ng pansin ng BITAG ang isang text message na ilang beses rumehistro sa aming text hotline dahil sa haba ng kanyang mensahe.

Ito ang nilalaman ng text message na aming binabanggit:

Mr. Tulfo, paki-BITAG ninyo ang pilahan dito sa lower Bicutan dahil sobrang sungit talaga ng matandang retailer  na nagbebenta dito ng NFA rice. Nagtitiis na nga kami sa sobrang haba ng aming pinipila pero kapag nakita niyang lumang pera ang aming ibinabayad ay ayaw niyang tanggapin at pilit kaming pinapaalis sa pilahan. May pagkakataon po na kapag isang kilo lang ang aming bibilhin ay nagagalit din siya at pinaaalis din sa pilahan, paano kung ‘yun lang ang perang talagang pambili lang ng nakapila? E di wala silang kakainin sa araw na iyon? Ang masakit pa po dito, may bayad na P2 piso ang kanyang plastic at hindi daw kami puwedeng magdala ng sarili naming plastic o lalagyanan. Sobra naman pong pahirap ito, tinitiis na lang naming pumila dahil nag-iisa lang siyang retailer na mabibilhan dito sa amin. Kung hindi naman kami pipila sa kanya ay hindi kami makakabili ng murang bigas. Kami na nga itong mahirap, naghihirap pa na pumila kami pa inaagrabiyado dahil sa P2 plastik at pagalit ng retailer…number withheld

Hindi BITAG ang nagsasalita dito kundi si Juan dela Cruz mismo na nakakaranas    ng kalbaryo’t sakripisyo sa mga buwisit na pilahan sa kokonting outlet ng P25 NFA rice sa bawat palengke.

Maging ang National Food Authority, aminado na negatibo ang naging resulta sa mamamayan dahil sa sistemang isang authorized retailer outlet kada paleng­ ke, binanggit ito ni Rex To­perez, NFA-Director for Public Affairs na ipinalabas din naming nitong Sabado.

At ayon nga kay Economist and former Executive Secretary Oscar Orbos, may pagkukulang at mali sa sistema, na kanyang tinumbok, sa Department of Agriculture.  North to South ang gi­nawang paglilibot ng BI­TAG  sa mga palengke sa Metro Manila, makita la­mang ang tunay na sitwas­yon sa mga pilahan sa P25 bigas ng NFA, iisa ang sit­wasyon, pare-pareho ang hinaing at reklamo. Kela­ngan pa bang bu­ong Pili­pinas ang aming libutin para makarating kay Agriculture Secretary Yap na pal­pak ang kanyang Ikala­ wang Programang, masi­guro ang tamang pama-ma­hagi / pagbebenta ng mga murang bigas ng NFA rice sa mga pamili­hang bayan? Hindi lang BITAG ang nag­hihintay dito ng ka­sa­ gu­tan, kundi mayorya ng ma­mamayan ng buong Pi­lipi­ nas na tumatangkilik  sa murang bigas ng NFA. 

AGRICULTURE SECRETARY YAP

NFA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with