^

PSN Opinyon

CHED mananagot ba kung salbahe ang review center?

SAPOL - Jarius Bondoc -

DALAWANG beses nang in-extend ng Commission on Higher Education (CHED) ang deadline sa pagrehistro ng review centers. Unang cut-off nu’ng Nov. 28, 2007. Pero nagpalugit ng anim na buwan, hanggang May 28, 2008, sa hiling ng Review Center Association of the Philippines para sa 800 kompanya. Pero nu’ng malapit na ang time limit, humingi uli ang RECAP ng anim pang dagdag na buwan, hanggang Nov. 28, 2008. Pumayag ang CHED.

Umangal ang 30 rehistrado nang kasapi ng Federation of Accredited Review Centers of the Philippines. Kasama ang 50 pang nakapag-file na ng application bago deadline, anila dapat nang isara ang 800 delingkuwente. Hindi raw kasi matupad ng mga ito ang kundisyon sa accreditation — ang mag-tie-up sa isang accredited din na kolehiyo para mase­gurong mahusay ang pagtuturo. Dinudungisan daw nila umano ang reviewing industry.

Sagot ng RECAP, maselan at magastos ang pakikipag-partner sa basta-basta lang na kolehiyo — kaya hinay-hinay lang sila. Mga malinis at disenteng educators daw karamihan ng 800. Nais din daw nila linisin ang kanilang hanay kaya sineseguro nila ang pagtupad sa CHED rules.

Pero may lehitimong tanong ang mga graduates na nais mag-review para sa board exam. Paano raw nila matu­tukoy kung ano’ng review center ang matino sa kanilang pook — gayung 50 lang sa buong bansa ang nakatupad sa CHED deadline at 800 ang hindi pa lisensiyado?

Kailangan nila ng sagot dahil magre-review na sila. Takot silang mangyari sa kanila ang sinapit ng 1,067 nursing at 21 midwifery graduates sa kamay ng Northcap-Baguio. Nakapag-tuition na ang bawat isa ng tig-P75,000 para sa tatlong buwang review simula Marso. Nagbayad pa sila ng tig-P1,125 sa nursing at P800 sa midwifery para ipalista sila ng Northcap sa Professional Regulatory Commission, na ang singil lang ay P800 at P600. Aba’y ibinulsa ng may-ari ng Northcap ang pera. Wala tuloy ni isang nakapag-exam. Nawalan ng saysay ang P75,000-tuition.

May garantiya ba ang reviewers na babantayan ng CHED ang review centers, gayung sobrang malambot ang ahensiya sa deadlines.

FEDERATION OF ACCREDITED REVIEW CENTERS

HIGHER EDUCATION

NORTHCAP

PERO

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

REVIEW

REVIEW CENTER ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with