^

PSN Opinyon

Demolition attack na nag-boomerang

- Al G. Pedroche -

AKALA ko sa politika lang nangyayari ang demolition job gamit ang media. Ginagawa rin pala ito sa mga produktong pang-kagandahan. Sana naman, sa paglalabas ng mga ads, ipahayag yung mga positibong puntos ng mga produkto at walang siraan. Fair play ‘ika nga.

Nahaharap ngayon sa P10-milyong kaso ng libelo ang dalawang top officials ng Lucida-DS, isang kompanyang tagagawa ng skin whitening products.  Ang dahilan, nagpalabas ito ng full page ads sa mga diyaryo para  siraan ang kakompintensyang White Beauty Philippines, taga­gawa ng MET THATIONE.

Imbes na ang White Beauty Philippines ang sumem­plang, nag-boomerang ang ginawa ng Lucida. Kamakailan, inatasan ng Watson, isa sa malalaking drugstore chains sa Asia ang mga sangay nito na itigil ang pagbebenta sa mga produkto ng Lucida.

Sa full page ads ng Lucida, sinabi nila na nagsisinu­ngaling ang White Philippines sa claim nito na ang MET THATIONE ay gawa sa Japan.  Pinagbasehan ng Lucida ang pahayag ng isa pang kompanya, ang AMS Life Science Co. pero ang kompanyang ito’y binawi na ang maling sinabi kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kompanya.

Pinatunayan ng White Beauty na ang kanilang produkto ay gawa ng Sun Capsule Pharma Ltd., isang Japanese firm sa prosesong pinamamahalaan ng gobyerno ng Japan.  Natural magre-react ang White Beauty kaya inihabla ang dalawang opisyal ng Lucida na sina Ronald Raguero at Ma. Isabel Galindez na siya uma­nong nagpa­la­ bas ng ads.

Ayon kay Paul Ri­yadh A. Chuapoco kinatawan ng White Beauty, ito’y ma­li­wanag na paninira ng Lucida-S. Magugu­ nita na nung isang bu­wan, sinabi ng sikat na brod­kaster ng ABS-CBN na si Korina Sanchez na pito hang­gang siyam na brand ng mga whitening products ang kulang sa glutathione content pero hindi kasa­ma ang MET. Pero ayon sa Philippine Institute of Pure and Applied Che­mistry (PIPAC) kasama ang Lucida DS sa hanay ng mga produk­tong kapos sa gluta­thione.

vuukle comment

COUNTRY

LUCIDA

PLACE

REGION

SHY

WHITE BEAUTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with