Mga karapatan ng pasyente, ayon kay Dra. Teresita Sanchez
NOONG lumabas and isyu tungkol sa Rectal Video Scandal, marami ang nabahala sa nangyari. Paano ba mapoprotektahan ang dignidad at karapatan ng mga pasyente?
Si Dra. Teresita Sanchez ay isang respetadong doktor at isa ring magaling na abogada. Dalawa ang kanyang propesyon, kaya nakikita niya ang bawat angulo ng problema. Mabait at maunawain si Dra. Sanchez, kaya respetado siya ng komunidad.
Ayon kay Dra. Sanchez, ito ang ilan sa mga karapatan ng pasyente. Alamin natin ito.
1. Karapatang malaman ang kanyang tunay na sakit.
May pagkakataon na hinihiling ng kamag-anak na itago ang tunay na sakit ng pasyente. Mahirap ang ganitong sitwasyon at dapat timbangin kung ano ang makabubuti sa pasyente.
2. Karapatang malaman ang gamutan at ang posibleng kumplikasyon nito.
Kailangan ay maipaliwanag maigi ng doktor sa pasyente ang gamot o operasyon na binabalak gawin sa kanya.
3. Karapatang malaman kung may alternatibong gamutan sa kanyang sakit.
Maganda
4. Karapatang bigyan ng respeto at konsiderasyon ang pasyente.
Ito siguro ang pinakaimportante sa lahat. Mayaman man o mahirap, dapat bigyan ng sapat na pag-alaga.
5. Karapatan na maging pribado ang usapin tungkol sa kanyang sakit.
Hindi dapat ikuwento ng doktor sa ibang tao ang karamdaman ng isang pasyente, lalo na kung sensitibo ang sakit.
6. Karapatang tumanggi sa gamutan, pagkatapos maipaliwanag sa kanya ang benepisyo at peligro nito.
Sa huli ay ang pasyente pa rin ang magdedesisyon sa katawan niya. Ang doktor ay nandiyan lang para magbigay ng payo.
7. Karapatang makuha ang kanyang medical records at laboratory results.
Lagi kong tinuturo sa pasyente na i-xerox at ilagay sa folder ang lahat ng lab results. Dalhin ang folder sa bawat konsulta sa doktor. Napakahalaga nito.
8. Karapatang malaman ang bawat item sa billing ng ospital.
Ang walong karapatan na nakalista rito ay dapat malaman ng bawat doktor, nars at pasyente. Salamat sa mga payo ni Doktora at Attorney Teresita Sanchez.
(E-mail: [email protected])
- Latest
- Trending