^

PSN Opinyon

Pabahay o paputi?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“ALIN ang mahalaga, yong announcement ko na hinihimok natin ang member ng PAG-IBIG na magkaroon ng bahay o ‘yong announcement na hinihimok mo ang mamama­yang Pilipino na magpaputi?” Ito ang sinagot kahapon ni Vice President de Castro sa patutsada ni Senator Legarda laban sa mga opisyal na lumalabas sa commercial ads na ginastusan ng gobyerno. Pumutok ang isyu nang kinuwestiyon nina Senate President Villar at Senator Santiago ang patuloy na paglabas ng mga senador sa TV, print at billboard ads ng mga commercial products. Ayon kay Miriam, isa itong pananamantala.

Hindi lang si Miriam ang pumapalag sa patuloy na parusa sa bayan ng kanilang mga naglalakihang mukha. Ang CBCP, maging ang mga media organization ay nana­naklolo na. Kaduda-duda nga naman ang delikadesa ng mga kilalang naghahangad sa puwesto na biglaang susulpot sa high-exposure ads. Ang iba pang paratang: maagang pangangampanya; proteksyon sa mga kompanya ng produktong ineendorso; pangangalakal ng puwesto na bayan naman ang nagbigay.

Kaya naman umaasa na lang si Miriam sa kahihiyan ng mga opisyal na tinukoy ay dahil kung batas mismo ang babasahin, hindi illegal ang gimik na ito. Maaring bawal ang maagang pangangampanya subalit ang sakop lang nito ay yung mga nakapaghain na ng kandidatura sa loob ng election period. Hanggat hindi pa nagfile, hindi pa sila kandidato. At kapag hindi ka pa kandidato, walang dahilan upang pagbawalan ka. Alam ito ni Miriam subalit hindi ito nagpaawat sa krusada niyang ipatigil ang ganitong praktis. Iyan ang hamon ngayon sa ating mga mamba­batas. Kung may kakulangan ang batas, palitan n’yo ang batas. Huwag sabihin na tali ang inyong kamay –— o ang argumentong dapat mangibabaw ang “rule of law”, tama man o mali.  Sabi nga ni Justice Stevens sa Amerika, ang tunay na sandigan ng “rule of law” ay ang tiwala ng tao sa mga huwes na nagpapaliwanag nito. Idagdag na rin natin ang tiwala ng tao sa mga mambabatas na gumagawa nito.

ALAM

AMERIKA

AYON

JUSTICE STEVENS

SENATE PRESIDENT VILLAR

SENATOR LEGARDA

SENATOR SANTIAGO

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with